BREAKING NEWS

ChiKapalaran (September 8-14, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo

ChiKapalaran (September 1-7, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo

MGA ka-BANDERA, kamusta na ang pagpasok ng BER months feels? 

Unti-unti nang sumisilip ang mga parol at Christmas songs sa paligid pero siyempre, hindi rin magpapahuli ang inyong resident charotera reader.

Heto na ang hula para sa linggong ito at baka ito na ang sign na matagal mo nang hinihintay!

ARIES (March 21–April 19)

Kung may hinihintay kang update o resulta, this week mukhang may surprise delivery si universe para sa'yo. Ingat lang sa pagiging padalos-dalos dahil hindi lahat dapat sagutin agad, lalo na sa text at chat.

Lucky Color: PinkLucky Number: 5Swerte Meter: 4 Stars

TAURUS (April 20–May 20)

Busy ka ngayong linggo, halos puno ang calendar mo. Pero don't worry, lahat ng effort mo may balik! 

Reminder lang, huwag mag-online shopping pag stressed!

Lucky Color: MaroonLucky Number: 8Swerte Meter: 3 Stars

GEMINI (May 21–June 20)

Ang dami mong maririnig na chismis o balita pero hindi lahat totoo, besh!  Piliin mo lang ang kapaki-pakinabang at iwasan ang pagiging chismosa ng barangay.

Lucky Color: YellowLucky Number: 2Swerte Meter: 2 Stars

CANCER (June 21–July 22)

Good news! May darating na reconnect moment, pwedeng old friend o special someone. Sweet ang vibe kaya sulitin ang bonding, pero huwag din masyadong clingy ha, baka maumay.

Lucky Color: WhiteLucky Number: 6Swerte Meter: 4 Stars

LEO (July 23–August 22)

Ikaw ang star ngayong linggo, Leo! May chance kang makuha ang spotlight sa trabaho, school o kahit sa simpleng video call. Pero huwag lahat ipang-FB live, baka ma-jinx!

Lucky Color: GoldLucky Number: 1Swerte Meter: 5 Stars

VIRGO (August 23–September 22)

Dahil birthday season mo, madami kang matatanggap na small wins, pwede free food, discount, o baka surprise gift. I-enjoy mo lang pero huwag ka rin mag-expect ng bongga.

Lucky Color: BlueLucky Number: 9Swerte Meter: 4 Stars

LIBRA (September 23–October 22)

Medyo roller coaster ang emosyon mo ngayon, Libra. Iwas muna sa toxic na tao at junkfood, baka lalo kang mag-init ang ulo.

Lucky Color: PinkLucky Number: 7Swerte Meter: 2 Stars

SCORPIO (October 23–November 21)

May intrigang aabot sa tenga mo, pero wag kang magpapadala agad. Minsan mas panalo ang tahimik kaysa palaban. 

Tandaan na hindi lahat dapat sagutin, minsan mas maganda ang dedma moves.

Lucky Color: BlackLucky Number: 3Swerte Meter: 3 Stars

SAGITTARIUS (November 22–December 21)

Masaya ang linggo mo dahil may bonding time with barkada or family. Pwede ring magka-short trip o simpleng food trip na ikaliligaya mo. 

Basta huwag kalimutan ang budget, baka ending lugmok.

Lucky Color: OrangeLucky Number: 12Swerte Meter: 4 Stars

CAPRICORN (December 22–January 19)

New responsibility alert! May dagdag gawain o project na ibabato sa'yo, pero wag kang kabahan dahil bagay sa'yo ang maging leader.

Ang challenge lang ay huwag masyadong seryoso, baka magmukha kang kontrabida.

Lucky Color: BrownLucky Number: 10Swerte Meter: 3 Stars

AQUARIUS (January 20–February 18)

Creative juices activated! May bigla kang ideya na pwedeng magdala ng extra income o recognition.  Isulat agad o i-pitch sa iba, baka ito na ang "eureka moment" mo. Wag sayangin!

Lucky Color: VioletLucky Number: 11Swerte Meter: 5 Stars

PISCES (February 19–March 20)

Feeling mo drained ka, Pisces. Huwag mo pilitin ang sarili, baka lalo kang sumablay. 

Perfect time para mag-self-care: binge-watch, music trip, o simpleng tulog ng mahaba para makapah-recharge mode muna.

Lucky Color: AquaLucky Number: 4Swerte Meter: 2 Stars

Paalala lang mga ka-BANDERA, gabay lang ang Chikapalaran na ito. 

Nasa iyo pa rin ang diskarte at effort para maging winning ang linggo mo!

The post ChiKapalaran (September 8-14, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo appeared first on Bandera.


ChiKapalaran (September 8-14, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo ChiKapalaran (September 8-14, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo Reviewed by pinoyako on September 07, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close