Leila de Lima sa mga korap na politiko: Sobra-sobra na ang kawalanghiyaan!

BEAST mode na naman ang dating senador na si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila De Lima dahil sa talamak nang corruption sa Pilipinas.
Partikular na tinukoy ni De Lima ang mainit na pinag-uusapang ngayon na mga maanomalyang flood control projects sa bansa.
Sa kaniyang X account, tinanong ng kongresista kung ilang beses na bang nakalusot sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan ang mga ghost projects na magpapatigil sana sa malawakang pagbaha.
"Ilang beses na kayang nakalusot ang ganitong mga kalokohan. Sobra-sobra na ang kawalanghiyaan," ang matapang na pahayag ng dating senadora.
Dagdag pa niya, "As we dig deeper into these anomalous flood control projects, we are uncovering more cases of corruption.
"As recently confirmed by Sec. (Manuel) Bonoan (ng Department of Public Works and Highways) himself, there are also what he described as 'half-ghost projects' or those that were only partly finished," litanya pa niya..
"Sa atin ding mga konsultasyon sa pagsusuri sa budget, nalaman din natin na may mga nakumpleto nang proyekto, pero nilalagyan pa rin ng pondo," sabi pa ni De Lima.
"We will raise about these questionable items at the DPWH budget hearing, and they must be corrected. The same goes for all other government agencies, there should be no such questionable or highly suspicious entries sa ating Pambansang Budget.
"Wala na dapat makalusot at dapat mapanagot ang mga garapal na nasa likod ng ganitong lantarang pagnanakaw sa pera ng taumbayan," ang mariin pang pahayag ng kongresista.
The post Leila de Lima sa mga korap na politiko: Sobra-sobra na ang kawalanghiyaan! appeared first on Bandera.

No comments: