BREAKING NEWS

Edu Manzano pak na pak pangdo-dogshow sa mga korap sa gobyerno

Edu Manzano pak na pak pangdo-dogshow sa mga korap sa gobyerno
Edu Manzano (AI-generated photos)

BENTANG-BENTA ang pang-aasar ng veteran actor na si Edu Manzano sa mga politiko at government contractors na sangkot sa maanomalyang flood-control projects sa bansa.

Isa si Edu sa matatapang na celebrities na nagbibigay boses sa mga kababayan nating palaging naghihirap at nagsasakripisyo kapag bumabaha sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

Ang iba pang kilalang personalidad na naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa isyu ay sina Anne Curtis, Nadine Lustre, Karen Davila at Bianca Gonzalez.

Ito'y may kaugnayan nga sa nabuking na mga kuwestiyonableng ghost flood-control projects kung saan sangkot ang mga korap na politiko at mga government contractor na kumita umano ng bilyun-bilyon mula sa kaban ng bayan.

Mas tumindi pa ang galit ng sambayanang Pilipino nang lumubog na naman sa baha kahapon, August 30, ang maraming lugar sa Metro Manila, partikular na sa Quezon City, dahil sa malakas na pag-ulan. 

Maraming commuters ang stranded dahil wala nang masakyan na sinabayan pa ng matinding traffic sa Kamaynilaan. 

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FEduManzanoOfficial%2Fposts%2F1324295465721290&show_text=false&width=500" width="500" height="285" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Kaya naman pinagmumura na naman ng ating mga kababayan ang mga taong nasa likod ng palpak na flood-control projects pati na ang kanilang mga kapamilya na flex nang flex ng kanilang kayamanan at karangyaan sa social media na galing umano sa kaban ng bayan.

Sa gitna ng isyung ito, pak na pak naman sa mga Pinoy ang pang-ookray at pangdo-dogshow ng beteranong aktor na si Edu Manzano sa mga korap na politiko at contractors.

Sa kanyang Facebook page, makikita ang mga AI-generated photos ng TV host at aktor na nasa iba't ibang lugar na kunwari'y opisyal ng gobyerno.

Isa sa mga lito ay ang litrato niyang nakasuot ng silk robe at may caption na, "Saturday morning. Walang site visit, walang stress. Just Laduree, Rolls-Royce payong, at taxpayer money brewed to perfection."

Meron din siyang post na nasa loob ng isang luxury car at may mensaheng, "Second day at work…pero abot na hanggang second life ang budget ko. HERMES MUNA BAGO SEMENTO."

Pinusuan at ni-like rin ng kanyang followers ang isa pa niyang AI-generated photo habang nasa construction site at may caption na, "Relax guys. Ako na ang bahala sa road to forever. Bill! Bill! Bill!"

Lahat ng kanyang FB post ay may mga nakakalokang hashtag na #DreamsDoComeTrue, #SumaksesDin at #RoadToBulsa.

The post Edu Manzano pak na pak pangdo-dogshow sa mga korap sa gobyerno appeared first on Bandera.


Edu Manzano pak na pak pangdo-dogshow sa mga korap sa gobyerno Edu Manzano pak na pak pangdo-dogshow sa mga korap sa gobyerno Reviewed by pinoyako on August 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close