BREAKING NEWS

Coco Martin, Batang Quiapo cast buwis-buhay sa taping dahil sa ulan, putik

Coco Martin, Batang Quiapo cast buwis-buhay sa taping dahil sa ulan, putik

TALAGANG pinatunayan ni Coco Martin at ng buong production ng "FPJ's Batang Quiapo" na walang atrasan sa mga buwis-buhay na eksena sa harap at likod ng mga camera.

Sa kabila ng masungit na panahon ay tuluy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho ng lahat ng taong involved sa hit Kapamilya series na "Batang Quiapo" ng ABS-CBN.

In fairness, kahit ang mga senior citizen ay palaban din sa mga pasabog na eksena sa serye kabilang na ang mga movie at TV icon ba sina Charo Santos at Celia Rodriguez. 

Nitong mga nagdaang araw, kinunan ang ilang mahahalagang eksena sa "Batang Quiapo" sa isang magubat at maputik na lugar sa Antipolo, kabilang na ang pag-rescue kay Tindeng (Charo) mula sa mga kidnapper nito na pinangungunahan ni Pilar (Celia).

"Kahit umuulan, ano man 'yung panahon ngayon na pinagdadaanan ng buong Pilipinas, tuloy pa rin ang taping," mensahe ni Coco sa isang BTS o behind-the-scenes video na kinunan sa location nila sa Antipolo. 

"Honestly, nahihirapan kami kasi ang ulan hihinto, bubuhos, tapos napakadulas ng location kasi nandu'n kami sa gubat, maputik at medyo delikado tapos tirik 'yung mga location na para siyag bangin talaga na malalim," aniya pa sa video na ipinost sa CCM Film Production social media page.

Sa isang bahagi ng video mapapanood ang isang eksena nina Coco at Kim Domingo kasama ang iba pang cast members ng serye sa isang masukal at maputik na gubat. 

"Dahil hangad natin ay mabigyan natin ng magagandang eksena ang ating mga manoood kaya ginagawa lahat ng 'Batang Quiapo.' 

"Para masiguro natin na may maganda tayong ipapalabas gabi-gabi para sa lahat ng mga manonood," sey pa ng Teleserye King.

Nabanggit din ni Coco na once a week sumasabak sa training ang kanyang mga co-stars at stuntmen upang masigurong maayos at ligtas ang mga gagawin nilang action scenes.

"Nandito tayo sa genre ng action, dapat talaga pinaninindigan natin. Every taping, sa bawat eksena na kinukunan, 'yung panganib hindi nawawala kaya dapat lagi tayong handa," sabi ni Coco.

Samantala, abangers na ang lahat sa puksaang bakbakan sa "FPJ's Batang Quiapo" kung saan magsasama-sama sa isang pasabog na eksena ang mga bigating artista ng Kapamilya teleserye sa pangunguna ni Coco.

Ipinasilip ng ABS-CBN ang mainit na komprontasyon sa pagitan ng mga bida na magaganap sa mga susunod na episode kung saan tinagurian itong "royal rumble showdown" ng netizens. 

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa "FPJ's Batang Quiapo," na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live. 

The post Coco Martin, Batang Quiapo cast buwis-buhay sa taping dahil sa ulan, putik appeared first on Bandera.


Coco Martin, Batang Quiapo cast buwis-buhay sa taping dahil sa ulan, putik Coco Martin, Batang Quiapo cast buwis-buhay sa taping dahil sa ulan, putik Reviewed by pinoyako on August 13, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close