BREAKING NEWS

Jake Zyrus inokray-okray sa topless photo; nagkaungkatan pa ng past

Jake Zyrus inokray-okray sa topless photo; nagkaungkatan pa ng past
Jake Zyrus at Chees

NAKATIKIM na naman ng mga panlalait ang transman at singer-songwriter na si Jake Zyrus mula sa mga bashers sa social media.

Pinutakti uli ng mga negatibo at mapang-asar na comments ang bumalandrang topless photo ng transgender man singer.

Nag-post ang partner ni Jake na si Filipino-Am erican singer Chees sa Instagram ng litrato nila together habang naliligo sa isang swimming pool.

Walang inilagay na anumang caption si Chees sa kanyang IG post kundi tanging heart exclamation emoji lamang. Nag-iwan naman dito si Jake ng three hearts emoji.

In fairness, marami namang netizens ang natuwa sa post ni Chees at nagpahayag ng suporta sa kanilang relasyon. May iba pa ngang nag-request ng bagong collab mula sa magdyowa.

Ngunit meron ding mga nambasag sa kanila, lalo na sa topless photo ni Jake kung saan muli siyang sinabihang kamukha raw niya ang namayapang komedyante na si Berting Labra.

May nagkomento pa na wala na raw career ang dating international singer bilang Charice Pempengco at naungkat pa ang away nina Jake at inang si Raquel Pempengco.

"Sayang talaga tong bata na to..wala lng nasayangan lng Ako..kse super bless sya noong c charice pa sya..sobrang bongga ba..bihira Yung gnung experience nya..wala nmn kmi magagawa Buhay mo yan..enjoy."

"I dont think so na lalaki siya she looks a girl and never be a boy even i fool my mind. Cause i know she's a girl diba?"

"Just be happy now,bahala na sa judgement day."

Iyan ang ilan lamang sa comments about Jake. 

Pero kung may mga nambengga kay Jake ay meron din namang nagtanggol sa kanya laban sa mga laitera at judgmental na tao.

Pagdedepensa ng isang netizen kay Jake, "Why the comments are too much? Let them live the way they wanted, hindi kayo inaano. 

"Tapos sabihin na maiimpyerno kasi ganito ganyan but look how rude some comments. Can we normalize being happy if people are happy with their lives?"

Kung matatandaan na-bash na rin noong 2022 si Jake nang ibandera niya sa social media ang kanyang mga topless photo after ng kanyang surgery (nagpatanggal ng dibdib).

"Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba 'to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao.

"Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.

"Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.

"Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender.

"Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sa'yo 'to.

"Kung hindi ka man handa pa, okay lang din 'yun. Lahat 'yan may tamang panahon. Well. This is me guys. Mahal ko kayong lahat," ang buong pahayag noon ni Jake sa transition journey niya sa pagiging transman.

The post Jake Zyrus inokray-okray sa topless photo; nagkaungkatan pa ng past appeared first on Bandera.


Jake Zyrus inokray-okray sa topless photo; nagkaungkatan pa ng past Jake Zyrus inokray-okray sa topless photo; nagkaungkatan pa ng past Reviewed by pinoyako on August 13, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close