Yasmien Kurdi umiiyak na inalala pambu-bully sa anak: Naaawa ako sa kanya

NAGHAIN na ng reklamo ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa Department of Education (DepEd) hinggil sa umano'y naranasang pambu-bully ng anak niyang si Ayesha Soldevilla.
Umiiyak na binalikan ni Yasmien ang nangyari sa anak nila ng asawang si Rey Soldevilla Jr. na naging biktima ng bullying sa school na pinapasukan nito noon.
Sa pagbisita ng aktres sa "Fast Talk with Boy Abunda" naging emosyonal si Yasmien nang mapag-usapan ang masaklap na naranasan ng anak mula sa mga kaklase nito.
"She experienced a lot of traumatic stuff in her life. Ang dami-dami niyang pinagdaanan. Naaawa lang ako sa anak ko, sobra. As a mom, nandito lang ako siyempre to protect my kid. Nandito ako.
"I don't care kahit ano ang sabihin nila. Basta nandito ako, pinoprotektahan ko ang anak ko," lumuluhang pahayag ni Yasmien.
Patuloy pa niya, "Kasi yung anak ko, yung welfare ng anak ko, yung mental health niya, yun ang lagi kong iniisip," sabi pa ng aktres.
Sabi ni Yasmien, pinagtulung-tulungan daw ng kanyang schoolmates si Ayesha, They were forcing her to change her personality. They ganged up on her, hinarangan siya sa pintuan ng 79 students, to change her personality daw.
"To the point na she has to say ten negative things about herself. 'Number one, I'm a bad student. Number two, what I do is wrong. Number three, it's all my fault. I'm a bad role model. Hanggang Number 10 yun. 'Number 10, please, I want to eat," lahad pa ni Yasmien.
"For a kid, naranasan niya yon, naaawa ako sa anak ko. We seek for help. Pumunta ako doon. It wasn't just one time na nangyari. Actually, we already filed a complaint sa Department of Education pero sana they look into it.
"We filed, ganito kakapal (ang mga dokumento) dahil sa dami ng mga reklamo ko," anang aktres.
Tanong ni Tito Boy kung ano ang pinag-uusapan nila ni Ayesha at ano ang sinasabi niya sa anak habang dumaraan ito sa hindi kagandahang bahagi ng kanyang kabataan.
"I told her, dapat hindi siya nagpapaapekto kapag merong gustong manghila sa yo pababa. Kasi my daughter, she's very assertive in school.
"She loves hosting kaya tumawag ako sa yo (Tito Boy) one time kasi gusto kong mag-workshop siya ng hosting sa inyo. Nag-hosting class siya recently nung summer and then she loves sports.
"And a week before siya na-gang up, she won the oration contest, first place, sa school nila. She's very assertive and ginagawa niya yung best niya," pagmamalaki ni Yasmien sa anak.
Sa ngayon ay nag-aaral uli si Ayesha sa isang private school matapos mag-home schooling after ngang tanggalin ang anak sa dati nitong paaralan. Successful din ang pinagdaanan nitong therapy.
"She's excelling in school. I am really happy for Ayesha. Nandoon pa rin yung mga episode na nati-trigger pa rin siya and all. But kapag may ganu'n, we go back again sa therapy. We're healing slowly," sabi pa ni Yasmien.
"And I'm really happy ngayon, dahil din sa tulong ng therapy. Nag-therapy siya for six months na tuluy-tuloy and then, it's very helpful for her kasi dahil sa mga panic attack, anxiety attacks niya.
"Nu'ng nag-therapy siya, ang ginawa namin, nag-home schooling agad siya kasi I pulled her out right away. Kasi yun ang feeling ko, I have to protect her.
"Kailangan tanggalin ko agad siya sa environment na yon. Kung toxic, toxic. Tanggalin na. Nag-home school siya. Yung mga dati kong teacher, tinulungan nila ako, kasi I was home schooled.
"Yung bata, she has to go back to zero. Yung buong seventh grade, back to zero yon. For two months, tinapos niya," sabi pa ng aktres.
"Kaya si Daddy Rey nandiyan, tinutukan niya si Ayesha. What's nice is nu'ng tinutukan niya si Ayesha, gumaling siya sa Math, gumaling sa mga subject."
The post Yasmien Kurdi umiiyak na inalala pambu-bully sa anak: Naaawa ako sa kanya appeared first on Bandera.

No comments: