BREAKING NEWS

Sam Verzosa kay Rhian: Maibibigay ko na ‘yung buong sarili ko sa kanya 

Sam Verzosa kay Rhian: Mabibigay ko na 'yung buong sarili ko sa kanya 
Sam Verzosa at Rhian Ramos

MATAPOS maging super busy sa nagdaang midterm elections, mapagtutuunan na nang bonggang-bongga ni Sam Verzosa ang kanyang negosyo at personal life.

Hindi man pinalad na manalo sa pagtakbo niya bilang mayor ng Maynila, marami naman daw natutunang life lessons ang TV host at dating kongresista.

At ngayon nga, nais niyang ibigay ang kanyang panahon at atensiyon sa kanyang mga business at siyempre sa girlfriend niyang si Rhian Ramos.

Masayang ibinalita ni Sam na nararamdaman na niyang malapit na silang ikasal ni Rhian at naghihintay lang siya ng tamang tiyempo para sa gagawin niyang marriage proposal.

"Seryoso na, maibibigay ko na 'yung buong sarili ko sa kanya lalo na tapos na 'yung campaign. 

"Focus na kami sa sarili namin. Mas marami akong oras sa kanya at sa tingin ko ito na 'yung oras para sa amin," ang pahayag ni Sam sa mga officer and members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Nakasama namin si Sam sa pre-birthday lunch ng business partner niyang si RS Francisco kamakailan lamang.

Sa tanong kung may wedding plans na sila ng Kapuso actress, "Dapat. Dapat lang kasi hindi na tayo bumabata at masaya na ako. Nahanap ko na 'yung partner ko sa buhay. Bakit ko pa patatagalin."

Ayaw namang sagutin ni Sam kung kailan magaganap ang wedding basta ang sabi niya, "Sa pinakamadaling panahon."

Dagdag pa ng host ng public service program na "Dear SV", "Siyempre, wala na akong ibang pino-focus kundi sarili ko, personal na buhay, negosyo at saka siyempre si Rhian."

Ang sundot na tanong kay Sam, nag-propose na ba siya? "Wala pa. Wala pa nga kayong nababalitaan. So, abang-abang na lang siguro kayo. Sandali na lang."

Samantala, naghahanda na rin sila ni Rhian sa susunod na marathon na sasalihan nila, "Second marathon namin ito kasi we run New York marathon last year."

"Nagka-issue pa nga noon dahil tumakbo ako sa politika, ginamit pa 'yun against me, saka napakaliit na bagay.

"So, ngayon ido-document ko lalo, ibi-video ko para makita nila. Gusto nila naka-live pa para makita na tinapos. It's for fun and it's for charity. Hindi naman kami tumakbo sa marathon para makipagpabilisan.

"Nandu'n kami, first of all, to help the Smile Train. Iyon 'yung charity na tinutulungan ko. Nagpapaopera kami ng mga kabataan na may bingot or tinatawag na cleft palate. 

"And hundreds na ang napaopera namin. Even before pa akong tumakbo ng marathon. Nag-London marathon ako, 'yun din ang mga binigyan namin ng tulong. Marami na rin kaming napaopera. 

"And this year sana mas marami pa. Makalikom pa ng mas maraming funds para makatulong sa mga kababayan natin and ayun tuluy-tuloy lang 'yung pagtulong. Sabi ko nga, healthy na ako sa marathon, nakatulong pa ako, na-enjoy pa namin 'yung view at nakapag-bonding pa kami ni Rhian," saad ni Sam.

The post Sam Verzosa kay Rhian: Maibibigay ko na 'yung buong sarili ko sa kanya  appeared first on Bandera.


Sam Verzosa kay Rhian: Maibibigay ko na ‘yung buong sarili ko sa kanya  Sam Verzosa kay Rhian: Maibibigay ko na ‘yung buong sarili ko sa kanya  Reviewed by pinoyako on August 13, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close