BREAKING NEWS

ChiKapalaran (September 1-7, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo

ChiKapalaran (September 1-7, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo

SIMULA na ng Ber months, mga ka-BANDERA! Ang ibig sabihin niyan, ramdam na ang simoy ng Pasko.

Pero bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang bitbit na hula ng inyong resident charotera reader ngayong unang linggo ng Setyembre!

ARIES (March 21–April 19)

Huwag ka masyadong padalos-dalos, dahil baka sa pagmamadali mo ay may makalimutan kang mahalagang bagay. 

Kaya payo ko sayo, chill ka lang at darating din ang swerte!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 9

Swerte Meter: 3 Stars

TAURUS (April 20–May 20)

Maganda ang pasok ng linggo mo sa trabaho, pero bantayan mo rin ang gastusin dahil baka maubos agad ang ipon.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 6

Swerte Meter: 4 Stars

GEMINI (May 21–June 20)

Madaming chika at balita ang darating sayo, pero huwag lahat paniwalaan. Pumili ka lang ng totoo at makabuluhan.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 3

Swerte Meter: 2 Stars

CANCER (June 21–July 22)

Magiging emosyonal ka ngayong linggo, pero huwag ka mag-alala dahil may darating na taong magpapagaan ng loob mo. Ayieee!

Lucky Color: Silver 

Lucky Number: 7

Swerte Meter: 4 Stars

LEO (July 23–August 22)

Shining, shimmering ka ngayong linggo! May spotlight na darating, kaya samantalahin ang chance na magpasikat.

Lucky Color: Gold

Lucky Number: 1

Swerte Meter: 5 Stars

VIRGO (August 23–September 22)

Dahil birthday season mo, ikaw ang bida! May good vibes at maliliit na blessings na bubuhos.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 5

Swerte Meter: 4 Stars

LIBRA (September 23–October 22)

Medyo imbalance ang mood mo, minsan masaya, minsan iritable. Kaya iwasan mo muna ang stress at toxic na tao.

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 2

Swerte Meter: 2 Stars

SCORPIO (October 23–November 21)

Matapang ka ngayong linggo at handang lumaban para sa tama. Pero siguraduhin mong may pruweba bago ka sumugod.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 8

Swerte Meter: 3 Stars

SAGITTARIUS (November 22–December 21)

Travel goals ang peg mo, kahit simpleng gala lang, makakahanap ka ng peace of mind. 

Dahil diyan, dapat sinusulit mo na ang weekend!

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 4

Swerte Meter: 4 Stars

CAPRICORN (December 22–January 19)

May darating na unexpected responsibility, pero kaya mo 'yan dahil natural ka na leader. 

Ang tip ko lang sayo: Huwag lang masyadong magpaka-seryoso.

Lucky Color: Brown 

Lucky Number: 10

Swerte Meter: 3 Stars

AQUARIUS (January 20–February 18)

Makakakuha ka ng bagong ideya o inspiration na pwedeng magbago ng takbo ng trabaho o negosyo mo.

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 11

Swerte Meter: 4 Stars

PISCES (February 19–March 20)

Medyo malabong mag-focus ngayong linggo, kaya maglaan ng oras para mag-relax at mag-recharge.

Lucky Color: Aqua

Lucky Number: 12

Swerte Meter: 2 Stars

O ayan mga ka-BANDERA, knows niyo na kung saan kayo suswertihin o dapat mag-ingat.

Pero paalala lang, ang horoscope na ito ay gabay lamang at nasa inyo pa rin ang kapalaran!

The post ChiKapalaran (September 1-7, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo appeared first on Bandera.


ChiKapalaran (September 1-7, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo ChiKapalaran (September 1-7, 2025): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo Reviewed by pinoyako on August 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close