Jose Mari Chan, Mariah Carey bidang-bida na naman ngayong ‘BER months’

NGAYONG araw, September 1, ang pagsisimula ng selebrasyon ng Kapaskuhan sa Pilipinas, na itinuturing nang pinakamatagal na pagdiriwang sa buong mundo.
Simula na kasi ng "Ber" months o ang mga buwan mula September, October, November, at December, na siyang hudyat ng pagse-celebrate ng mga Pilipino sa kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.
At tulad nga ng mga nakaraang taon, kabilang na sa mga sumisimbolo ng Pasko sa bansa ay ang mga Christmas songs ng Filipino singer-songwriter na si Jose Mari Chan at ng award-winning American singer na si Mariah Carey.
Ilang taon nang namamayagpag si Jose Mari Chan bilang "Father of Philippine Christmas Music," dahil sa mga Christmas songs niya na talagang nagmarka sa puso ng mga Pinoy mula noon hanggang ngayon, partikular na ang makasaysayang "Christmas In Our Hearts."
Bukod dito, binansagan din si JMC ng "Father of Christmas Carols" at "King of Christmas Carols".
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2F812659657762130&show_text=true&width=500" width="500" height="634" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Si Mariah Carey naman ay tinawag na "Queen of Christmas" sa buong mundo dahil sa kanyang "All I Want for Christmas Is You" na palaging nagna-number one uli sa global charts sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
At siyempre, September 1 pa lang ay sandamakmak na ang memes na bumabandera sa social media na pak na pak sa mga netizens.
Samantala, siguradong hanggang December na ang mga guesting at special appearances ng OPM icon na si Jose Mari Chan dahil sa pagiging in-demand sa pagsisimula ng holiday season.
In fairness, halos lahat ng TV shows, idagdag pa ang mga corporate and other live events, ay isa si JMC sa mga special guests.
Talaga namang pagpasok pa lang ng "Ber Months" ay kaliwa't kanan na ang paglabas niya sa iba't ibang platforms na kinaaaliwan ng mga Pinoy.
Pero ano nga ba ang tunay na diwa ng Pasko para kay JMC? "Everyday should be Christmas Day. The spirit of Christmas is giving and sharing, that is what gives meaning to life."
"We have to share our blessings with those in need," dagdag pa niya.
Sa isang event ay naging emosyonal pa nga si JMC nang makisabay sa kanya ang audience sa pagkanta niya ng "Christmas In Our Hearts", "What surprised me was the whole crowd sang along with me, and I was so touched and moved."
The post Jose Mari Chan, Mariah Carey bidang-bida na naman ngayong 'BER months' appeared first on Bandera.

No comments: