BREAKING NEWS

#WalangPasok sa NCR, 16 probinsya dahil sa malakas na ulan

#WalangPasok sa NCR, 16 probinsya dahil sa malakas na ulan

WALANG pasok sa mga eskwelahan at tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at 16 pang probinsya ngayong Lunes, September 1.

Ang balitang ito ay ibinandera ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa social media dahil sa malakas na pag-ulan.

Sa inilabas na pahayag ngayong umaga, sinabi ng DILG na suspendido ang pasok sa mga sumusunod na lugar:

Baka Bet Mo: Kalma lang! Mga dapat tandaan sa tuwing may bagyo, pagbaha

  • National Capital Region
  • Cavite
  • Bulacan
  • Laguna
  • Quezon
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Catanduanes
  • Sorsogon
  • Masbate
  • Northern Samar
  • Occidental Mindoro
  • Antique
  • Negros Occidental
  • Pampanga
  • Rizal

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fdilg.philippines%2Fposts%2Fpfbid02hgtUdwDZ5ji7B1ArrxUijwqHqhvPyzRThxinPMcAmV3aJaHovbcT3xSVpaTuHpi6l&show_text=true&width=500" width="500" height="219" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Ayon sa PAGASA, inaasahang makakatanggap ng 50 hanggang 100 millimeters ng ulan ngayong araw ang ilang lugar gaya ng Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Occidental Mindoro, Palawan, at Antique.

Dulot ito ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalakas pa ng isang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng bansa.

The post #WalangPasok sa NCR, 16 probinsya dahil sa malakas na ulan appeared first on Bandera.


#WalangPasok sa NCR, 16 probinsya dahil sa malakas na ulan #WalangPasok sa NCR, 16 probinsya dahil sa malakas na ulan Reviewed by pinoyako on August 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close