BREAKING NEWS

John Regala, Pumanaw na sa Edad na 58



Pumanaw na ang beteranong aktor na si John Regala ngayong araw June 3, 2023 matapos itong kompirmahin ng kanyang asawa na si Victoria Scherrer.

Ayon sa asawa ni John regala na si Victoria na nagkaroon ng cardiac arrest ang aktor dahil sa komplikasyon nito sa atay at bato na naging dahilan ng pagpanaw nito.


Makikita rin ang post ni Aster A. Amoyo sa kanyang facebook account na pumanaw si John Regala kaninang ala-sais ng umaga dahil sa mga iniinda nitong karamdaman.

"Veteran actor John Regala (John Paul Guido Boucher Scheerer) - 58 died this morning at 6:00 am due to multiple ailments. Let us all pray for the enternal repose of his soul. (May 28, 1965 - June 3, 2023)"- post ni Aster A. Amoyo.


Maalala na ibinahagi ni John Regala ang kanyang karamdaman na liver cirrhosis and gout at may mga celebrity at netizens nagpakita ng suporta sa kanya sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon para makatulong sa pagpapagamot nito.

“Medyo malala na ang aking liver cirrhosis pero hindi naman ako nainom ng alak ever since. Di ko alam baka sa fatty foods ko nakuha siguro. Tapos bukod dun, may tubig nga ako sa tiyan, kailangan butasin ang aking tiyan para mailabas yung tubig,”- ibinahagi ni John Regala.

Source: Noypi Ako
John Regala, Pumanaw na sa Edad na 58 John Regala, Pumanaw na sa Edad na 58 Reviewed by pinoyako on June 02, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close