BREAKING NEWS

1.1 Million Pesos, ang naging bill sa kuryente ng isang customer sa Oriental Mindoro



Labis ang naging stress ng isang customer mula sa Calapan, Oriental Mindoro, matapos umabot sa P1.1 milyon ang singil sa kanilang kuryente ng ORMECO

Sa ulat ng nitong Biyernes sa Balitanghali, sinabing 6,381 kilowatt-hours ang nakonsumo ng customer, na dapat sana ay mahigit P54,000 lamang ang bill, kung gagamiting basehan ang P8.50 per kilowatt-hour rate sa statement of account.


Pahayag ng ORMECO, ay hindi raw maiwasan na magkamali o ma-doble ng one digit sa reading dahil sa maraming aspeto.

“With regard po doon sa nag-trending recently sa Facebook na electric bill amounting to P1M+, we admit that our meter reader has committed an error because of double entry of one digit (minsan 'di po maiwasan because of the position of the kWh meter, weather condition, digital type of meter, etc...),” sabi ni Moira Lee Vilan, Member Services Division Supervisor ng Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (ORMECO).

Ayon kay Vilan, na naitama naman na nila ito at naibigay na ang tamang statement of account sa customer.

Nakiusap naman ang ORMECO na magsumbong sa kanila kung may reklamo ang mga customer sa bill at huwag agad agad na mag-post sa social media.

Source: Noypi Ako
1.1 Million Pesos, ang naging bill sa kuryente ng isang customer sa Oriental Mindoro 1.1 Million Pesos, ang naging bill sa kuryente ng isang customer sa Oriental Mindoro Reviewed by pinoyako on June 04, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close