BREAKING NEWS

Bata, Nagkabukol-bukol at nagkapasa-pasa ang braso dahil sa nauusong laruan na "Lato-Lato"


Nauuso ngayon sa mga bata ang laruang toy clackers o mas kilala ng karamihan na "Lato-lato".

Kwento ng inang si Jessa Mae, may nakita raw siyang mga bata na naglalaro ng lato-lato, kaya naisipan niya na bumili at ipasalubong sa kaniyang anak.


Araw-araw daw itong dala ng kaniyang anak kapag maglalaro ito sa labas.

Hanggang isang beses, natamaan siya ng nasabing laruan at napagtanto niya na masakit pala ito.

Doon na niya napansin na may maliliit na pasa ang kaniyang anak, tinanong niya raw ang bata ngunit hindi naman nito sinabi.


Nilagyan ni Mommy Jessa ng karton ang kamay ng anak at doon na niya napansin na galing pala sa lato-lato ang mga pasa nito, nagkaroon na rin daw ng mga bukol ang kaniyang anak dahil sa masakit na pagtama ng laruan.

Kaya ipinatigil na niyang palaroin ang anak ng lato-lato, nababahala na din siya dahil sa mga natamong mga pasa at bukol nito.

Source: Noypi Ako
Bata, Nagkabukol-bukol at nagkapasa-pasa ang braso dahil sa nauusong laruan na "Lato-Lato"  Bata, Nagkabukol-bukol at nagkapasa-pasa ang braso dahil sa nauusong laruan na "Lato-Lato" Reviewed by pinoyako on June 04, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close