BREAKING NEWS

Kuya Kim Atienza, tumangging maging host ng "Eat Bulaga"





Klinaro ng kampo ni Kuya Kim Atienza ang bali-balita na isa siya sa mga bagong host ng noontime show na ''Eat Bulaga", matapos.ang kontrobersyal na pag alis ng mga original host nito na sina Tito, Vic and Joey, kasama ang iba pang mga kilalang co-host ng nasabing show.


Ipinaliwanag ni Noel Ferrer, publicist ni Kuya Kim, na hindi bahagi ng bagong 'EAT BULAGA' si Kim Atienza, dahil bahagi na ito sa Kapuso show na "Tiktoclock" sa GMA.


Nagpasalamat rin si Noel Ferrer sa pag kunsidera kay Kuya Kim Atienza bilanh maging host ng Eat Bulaga.


"THANK YOU FOR KEEPING @kuyakim_atienza TOP OF MIND IN PREMIERE HOSTING PLATFORMS (because he certainly works hard and delivers very well in all of them) - but we’d like to clarify that HE CANNOT DO THE EAT BULAGA REPLACEMENT SHOW," ani Noel Ferrer.


"(Agreeing to host Eat Bulaga will run into conflict) with his prior commitment with the daily program TIKTOCLOCK (which is also performing well in the ratings) produced by GMA Network where Kim is contracted as an exclusive talent. THANK YOU VERY MUCH & HAPPY MONDAY EVERYONE!!!" dagdag niya.



Bago kasi ang live airing show ng Eat Bulaga nitong Lunes ay lumabas ang balita na makakasama si Kuya Kim bilang host nina Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar, Alexa Miro, Cassy Legaspi, at Mavy Legaspi.



Nag-thank you naman ang mga Dabarkads at mga loyal fans ng show kay Kuya Kim, dahil sa hindi nito pagtanggap sa Eat Bulaga.


"Salute Kuya Kim for not accepting."


"Could be a blessing in dusguise for Kuya Kim."


"Naku thank you Kuya Kim for not accepting."

Source: Noypi Ako
Kuya Kim Atienza, tumangging maging host ng "Eat Bulaga"  Kuya Kim Atienza, tumangging maging host ng "Eat Bulaga" Reviewed by pinoyako on June 06, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close