BREAKING NEWS

Lolo na Hindi Pinapasok ng Isang Car Company, Sa Kabila Bumili ng Kotse in Cash!



Bumabase ka ba sa itsura? Ito ang nangyari sa isang retiradong teacher na hindi umano pinapasok ng isang car company sa Davao City. Viral ngayon sa social media ang post ni Love Dorego na nangyari kay Lolo Manuel na gusto sanang tumingin ng kotse sa isang car showroom ngunit sa entrance palang hinarang na ito.




Sa panahon na yon may mantsa ang damit ng lolo, may butas ang sapatos at marumi ang mask.
Naisipan umano ni lolo Manuel na sa kabilang car company nalang ito pumunta at doon maghanap ng mabibiling kotse.

Agad umano itong inasikaso ng mga staff hanggang nakapili ng gusto niyang kotse at nangako na babalikan niya ito para bayaran.




Takot umanong magdala ng cash si lolo Manuel lalo na at nag-commute lang ito sa jeep.

Kinaumagahan ay agad binalikan ng lolo ang kotse at binayaran ng cash, buong-buo at hindi nagtira ng kahit anong utang.

Source: Noypi Ako
Lolo na Hindi Pinapasok ng Isang Car Company, Sa Kabila Bumili ng Kotse in Cash! Lolo na Hindi Pinapasok ng Isang Car Company, Sa Kabila Bumili ng Kotse in Cash! Reviewed by pinoyako on May 22, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close