BREAKING NEWS

Angeline Quinto, Ipinasilip na Ang Mukha ng Kanyang Baby Sylvio



Ipinasilip na ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ang mukha ng kanyang Baby Sylvio nitong Biyernes, Mayo 20. Sa kanyang instagram account ay ipinost niya ang cute photos ni baby Sylvio.

"Everyone, meet our little bundle of love Aziel Sylvio Quinto Daquina," saad ni Angeline sa kanyang post.

Bumuhos naman ng magagandang comments ang naturang post ng mangangawit dahil super happy sila na finally ay natupad na ang pangarap nito na magkaanak at magkapamilya lalo na't nauna nang mamaalam ang kanyang Mama Bob.



"Gwapo mannn uyyyy!!! i love you baby sylvio!!" comment ng isang netizen.

"Kamukha ng daddeey!" dagdag naman ng isa.

"Congrats again Miss Angeline. Sending hug and kisses sweet little Sylvio.. God bless u both."
Sa kabilang banda naman ay nagbigay na ng pahayag si Angeline tungkol sa mga kumakalat na issue patungkol sa ama ng kanyang anak na si Nonrev. Ayon kasi sa mga netizens, tila pineperahan lang ni Nonrev ang aktres.




Taliwas naman ang kumakalat na issue sa sinabi ni Angeline. Sa katunayan ay si Angeline pa mismo ang namemera o humihingi ng pera kay Nonrev

"Ako talaga yung pineperahan dito. Joke lang" nakatawang saad ni Nonrev.

Dito ay ibinunyag ni Angeline na sa tuwing nauubusan siya ng cash ay ang kanyang dyowa ang nagbabayad pero ang nakakatawa rito ay nililista itong lahat ni Nonrev.





"Ako pa yung namemera sa kanya. Totoo 'to kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa cellphone ko, so every time magkukulang 'tong pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusap tapos magugulat na lang ako, nakalista lahat. Sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga," kuwento niya.

Pagpapatuloy ni Angeline, "Minsan yung GCash niya ubos na rin pero kailangan na kailangan ko magbayad sa Grab, lalo na nung buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash, GCash niya ubos na, so from bangko niya magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad. Nakakatawa yun."

Source: Noypi Ako
Angeline Quinto, Ipinasilip na Ang Mukha ng Kanyang Baby Sylvio Angeline Quinto, Ipinasilip na Ang Mukha ng Kanyang Baby Sylvio Reviewed by pinoyako on May 22, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close