BREAKING NEWS

Bangka sa Quezon, Nasunog; Nasa 134 Pasahero, 7 Binawian ng Buhay!



Isang malungkot na balita ang naganap sa karagatan na sakop ng Real, Quezon nitong Lunes ng umaga. Hindi bababa sa pitong katao ang binawian ng habang 24 ang sugåtan nang masun0g ang isang pampasaherong bangka. Ito ang kinumpirma ni Polillo, Quezon Mayor Cristina Bosque at ng Philippine Coast Guard (PCG).



Ani PCG spokesperson Commodore Armand Balilo sa isang panayam sa Super Radyo dzBB, "Merong pitong p@tay." Limang babae at dalawang lalaki ang nasåwi sa nasun0g na bangka habang tatlo ang nasa kritïkal na kondisyon. Base sa ulat ng PCG, may 134 na sakay ang bangka, kabilang ang walong crew members.

Ayon kay Police Major General Rhoderick Armamento, Southern Luzon area police commander, lahat ng pasahero ng bangka ay nakita na.



"'Yung pinakalatest 'yung bata narecover na ngayon lang, minutes ago. As of this very moment, 'yung reported na 134 passengers ay accounted na unless na may other reports pa na papasok...kanina isa na lang ang hinahanap natin, minutes ago narecover na 'yung bata na eight years old," sinabi niya sa hiwalay na panayam ng Super Radyo dzBB.

Idinagdag pa ni Armamento na ang mga opisyal ng pulis, lokal na pamahalaan, PCG, at municipal disaster risk reduction and management office ay kasalukuyang nagpupulong hinggil sa insidente.

Ayon kay Balilo, hindi pa niya maibibigay ang pangalan ng bangka dahil kailangan pa nilang ipagbigay-alam ang insidente sa mga kinauukulan.



"Alam ko meron ‘tong lubog dati pero hindi naman ito luma. Itong mga Mercraft, bago ito,” aniya.

Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Polillo, umalis sa kanilang bayan ang bangkang Mercraft 2 dakong alas-singko ng umaga nitong Lunes at patungo sana ito sa bayan ng Real.

Pasado alas-sais ng umaga ay nagdeklara ng abandon ship command ang kapitan dahil sa sumiklab na sunog. Sumiklab umano ang sun0g nang nasa layong 1,000 yarda ang Mercraft 2 mula sa Port of Real, ayon kay Balilo.



Hindi bababa sa anim na pasahero ang naunang nadala na sa ospital, ani Balilo. Dagdag pa niya, hindi raw overloaded ang bangka base sa passenger manifest.

Karamihan sa mga nasagip ay nadaanan ng mga RORO at dinala sa Real Port habang ang iba naman ay dinala sa Polillo. Nakita na rin ang kapitan ng bangka na si John Lerry Escareces at kasalukuyang ginagamot sa Claro M. Recto Hospital.

Ayon sa PCG, idineklarang under control ang sunog sa Mercraft 2 bandang 9:33 ng umaga. Hinila ng MV Triple Ken ang nasunog na bangka sa Baluti Island, Barangay Cawayan sa Real.

Source: Noypi Ako
Bangka sa Quezon, Nasunog; Nasa 134 Pasahero, 7 Binawian ng Buhay! Bangka sa Quezon, Nasunog; Nasa 134 Pasahero, 7 Binawian ng Buhay! Reviewed by pinoyako on May 23, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close