BREAKING NEWS

Watch | 8-Anyos na Bata, Nangutang sa Tindahan Para sa Inang May Malubhang Karamdaman; Tinulungan ng Isang Vlogger!



Marami na rin ang mga vlogger na nagbibigay ng tulong sa ibang tao lalo na sa mga lubos na nangangailangan ng tulong. Tulad ng Virgelyncares, marami na rin ang natulungan ng vlogger na ito kasama na ang 8-anyos na batang babae.

Natagpuan ng vlogger sa isang tindahan ang batang babae na si Jenny. Nangungutang umano ng kape at asukal si Jenny para sa kanyang ina na kumakalam na ang sikmurå. May malubhang karamdaman din ang kanyang ina kaya naman si Jenny na ang gumagawa ng mga gawaing bahay.


Nang usisain ng vlogger ang kalagayan ng ina ni Jenny ay nalaman niyang nabinåt ito sa kanyang panganganak dahilan kung bakit siya nakahiga at hindi na makakilos. Nahihiråpan na din ang ina ni Jenny kaya naman napabayaan na din nito ang bunsong anak niya.

Si Jenny na lamang ang nag-aalaga sa bunso at sa iba pa niyang kapatid. Mabuti na lamang ay mabait ang may-ari ng tindahan na inuutangan ni Jenny. Kahit na alam nitong matagal bago sila makakabayad ay pinapautang pa rin niya ito. Sa katunayan ay isinama ng kanyang mister sa trabaho ang ama ni Jenny para kahit papaano ay may kinikita ito at may pang suporta sa kanyang pamilya.



Nang tanungin naman ng vlogger ang nais o hiling ni Jenny ay sinabi nitong gusto niya ng kotse para makapamasyal umano sila ng kanyang pamilya. Ngunit sinabi ng vlogger na hindi niya kayang tuparin ito dahil hindi niya kayang bumili ng kotse.


Kaya naman, humiling na lamang si Jenny ng limang sakong bigas. Tinupad naman ito ng vlogger at lubos ang pasasalamat dito ng ina ni Jenny. Dahil sa pagiging maasikaso ni Jenny sa kanyang pamilya sa murang edad, napansin at natulungan siya ng vlogger.

Marami naman ang sumaludo sa ginawang kabutihan ng vlogger sa pamilya ni Jenny. Hiling ng mga netizen na marami pa siyang matulungan na lubhang nangangailangan.


Source: Noypi Ako
Watch | 8-Anyos na Bata, Nangutang sa Tindahan Para sa Inang May Malubhang Karamdaman; Tinulungan ng Isang Vlogger! Watch | 8-Anyos na Bata, Nangutang sa Tindahan Para sa Inang May Malubhang Karamdaman; Tinulungan ng Isang Vlogger! Reviewed by pinoyako on May 02, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close