BREAKING NEWS

Look | Online Registration Para sa National ID, Magsisimula Na!



Sinimulan na noong Abril 30 ang online registration para sa Philippine National ID. Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua, ilulunsad ang online registration sa national ID upang makalap ang demographic data ng mga nais na mag-apply sa naturang ID. Ngunit, nilinaw rin ni Chua na kailangan pa ring magpunta ng personal ang aplikante sa registration centers upang makuha ang biometrics at magbukas na rin ng bank account kung sakaling wala pa.


"Isa sa layunin ng National ID ang pagbibigay ng access sa serbisyong pinansyal na kadalasang nahahadlang ng valid ID. Inaasahan din natin na sa pamamagitan ng National ID, mapapadali ang mga transaksyon sa gobyerno at negosyo," pahayag ni Sec. Chua.

Ang national ID system ay makakatulong din sa gobyerno upang mapabilis ang vaccination program sa bansa magiging sa pagbibigay din umano ng ayuda. Magkakaroon din ng sariling bank account ang mga tinuturing low-income familes o mga salat sa buhay.


Ayon naman sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA ay may 17 milyong Pilipino na ang nakatapos sa naunang hakbang ng registration nitong first quarter ng 2021. Ang naturang hakbang ay ginawa sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay ng ilang mga tauhan ng PSA.

Umabot na umano ng 10.6 milyong Pilipino ang nakapagparehistro simula noong Oktubre nang nakaraang tao kung kaya mayroon ng 28 milyong registration ang nakolekta ng PSA. At hanggang nitong Abril 20 ay umabot na rin sa 4.6 milyong Pilipino ang nakatapos sa pangalawang hakbang na kung saan ay kailangan nilang mag-punta sa registration centers para makuhanan ng biometrics.

Pagkatapos naman ng ikalawang hakbang, maghihintay ang aplikante na dumating ang kanilang national ID. nakadetalye na rin sa facebook post ng PSA ang mga hakbang sa pagkuha ng national ID.


Narito naman ang mga hakbang kung paano makapagrehistro sa Philippine Identification Systems (PhilSys)

STEP 1: Pagkolekta ng demographic information at appointment-setting for Step 2 gamit ang online registrarion portal na nagbukas na nitong Abril 2021. Dito kukuhanin ang sumusunod na impormasyon ng aplikante:

Name, S3x, Date of Birth, Place of Birth, Blo0d Type, Adress at iba pang impormasyon gaya ng marital status, cellphone number at email address.

STEP 2: Pagkuha ng biometric information tulad ng fingerprint. iris scan, at front-facing photograph at validation ng supporting ddocuments. Ang hakbang na ito ay gaganapin sa registration center na pinili ng aplikante mula sa Step 1 registration. Huwag kalimutang dalhin ang supporting documents na maaring dalhin.

STEP 3: 
Issuance ng PhylSys Number (PSN) o PhilID. Ang inyong PSN o PhilID ay ide-deliver ng PHLPost sa inyong tahanan o sa address na iyong ibinigay. Huwag ipo-post sa social media ang inyong PhilID dahil ito ay naglalaman ng inyong impormasyon.

Source: Noypi Ako
Look | Online Registration Para sa National ID, Magsisimula Na! Look | Online Registration Para sa National ID, Magsisimula Na! Reviewed by pinoyako on May 01, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close