Senator Imee Marcos, Nababahala na Magkaroon ng Dayaan sa Eleksyon 2022 kung Tatlong araw Isasagawa ang Botohan
Nababahala ni Senator Imee Marcos na posibleng mauwi sa dayaan kung sakaling isagawa ng tatlong araw ang eleksyon sa 2022.
Ayon kay Senator Imee, maaaring mauwi ito sa manipulasyon ng resulta ng mga boto lalo na’t hindi lamang isang araw isasagawa ang halalan.
Nauna nang sinabi ni Commision on Elections (COMELEC) na sinisilip nila ang posibilidad na isagawa ang eleksiyon sa loob nang dalawa o tatlong araw para malimitahan ang bilang ng mga botanteng magtutungo sa bawat presinto.
Sa kabilang banda, isang panukala na layong payagan ang mga senior citizen na bumoto sa pamamagitan ng mail mula sa kanilang mga tahanan ang inihain ni Marikina City Representative Stella Quimbo para maiwasan ang panganib na dulot ng COVID-19.
Source: Noypi Ako
Senator Imee Marcos, Nababahala na Magkaroon ng Dayaan sa Eleksyon 2022 kung Tatlong araw Isasagawa ang Botohan
Reviewed by pinoyako
on
September 27, 2020
Rating:
No comments: