BREAKING NEWS

DSWD, Kumpiyansa na Matatapos sa Katapusan ng Setyembre ang Pamamahagi ng SAP


Tiwala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makukumpleto nila ang ikalawang tranche ng pamamahagi ng emergency cash subsidies sa ilalim ng Social Amelioration Program bago matapos ang buwan ng Setyembre.

Ayon umano kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nasa 13,908,438 SAP 2 beneficiaries ang nakatanggap na ng ayudang nagkakahalaga ng ₱83.1 billion.


Ito ay 98.5% mula sa 14,117,957 target beneficiaries at sinabi ni Dumlao na ang pamamaraan nila ng pamamahagi ng ayuda ay digital at manual.

Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD sa kanilang partner Financial Service Providers (FSP) para maresolba ang mga kaso ng failed transactional accounts ng mga benepisyaryo kasunod ng kabiguang pagbibigay ng kumpletong personal information.


“Marami pa pong mga accounts ang inaayos ng ating FSP partners lalo po ‘yung mga beneficiaries na may kakulangan sa impormasyon kaya nga po ang kanilang restricted transactional accounts ay hindi pa po successfully processed at ang kanilang ayuda ay hindi pa po nacredit sa kanilang accounts. Ito po ang currently na inaayos natin,” - ayon kay Dumlao.
Tiniyak umano ni Dumlao sa natitirang 209,519 beneficiaries na matatanggap nila ang kanilang ayuda.





“Tinitiyak naman po ng DSWD lalo na po sa ating beneficiaries kung kayo ay kwalipikado at nakatira kayo sa identified ECQ areas, matatanggap nyo po ang inyong ayuda,”- dagdag pa ni Dumlao.



Magpapatuloy naman ang manual at digital payout ay sa National Capital Region, Central Luzon at CALABARZON.

Source: Noypi Ako
DSWD, Kumpiyansa na Matatapos sa Katapusan ng Setyembre ang Pamamahagi ng SAP DSWD, Kumpiyansa na Matatapos sa Katapusan ng Setyembre ang Pamamahagi ng SAP Reviewed by pinoyako on September 28, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close