BREAKING NEWS

PANOORIN! | Tindera ng Gulay, Nagsauli ng Bag na may Lamang P2.7 Million



Gaano man kalaking pera ay hinding-hindi matutumbasan ng anumang halaga ang kabutihan at katapatan ng isang tao. Pero sa panahon ngayon, iilan na lamang ang mga taong may prinsipyo at hindi nasisilaw sa salapi.

Kasama na rito ang isang ginang mula sa Ilocos Norte na pinatunayang may mga taong pa ring katulad nila na marangal at may malasakit sa kapwa.

 


Matapos na ito ay hindi mag-atubili ng nasabing ale na isauli sa may-ari nito ang bag na naglalaman ng ‎₱2.7 million.

Ang ginang ay kinilalang si Alice Baguitan na nagtitinda ng gulay sa Laoag, Ilocos Norte.


Ayon sa tinderang si Alice, kumakain raw sya ng mga oras na 'yon sa isang fast food restaurant nang may babaeng tumabi sa kanya na may dala-dalang bag.

Kalaunan ay bigla umanong nagmadaling umalis ang hindi kilalang babae matapos itong magkaroon ng emergency, dahilan para mawala sa isip nito ang bag na itinabi sa bandang paanan ni Alice.



Sa kabutihang palad, narinig ng nagmalasakit na tindera ang pupuntahan ng babaeng nagmamay-ari ng naiwan na bag na may limpak-limpak na pera.

Nang isauli ni Alice sa bababe ang nakalimutan bag ay agad syang niyakap ng mahigpit ng may-ari nito.




Malugod nyang binibigyan ng pabuya ang naturang tindera ng gulay pero pilit nitong tinanggihan ang reward.



Pagbabahagi naman ni Alice, bagama't hindi nya inakalang ganoon kalaki ang laman ng bag, hindi raw ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsauli sya ng pera na nagkakahalaga ng malaki.

Naniniwala sya na Diyos ang magbabalik sa kanya ng biyaya dahil sa kanyang pagiging matapat.


Source: Noypi Ako
PANOORIN! | Tindera ng Gulay, Nagsauli ng Bag na may Lamang P2.7 Million PANOORIN! | Tindera ng Gulay, Nagsauli ng Bag na may Lamang P2.7 Million Reviewed by pinoyako on September 24, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close