BREAKING NEWS

Ayon sa Ilang Senador, Labag sa Bayanihan 1 ang Hindi Naipamigay na P10 Bilyon Bahagi ng SAP Fund



Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, dapat ipagpatuloy ang pamamahagi ng lima hanggang walong libong pisong ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP bilang pagsunod sa Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1.

Ayon naman kina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senate Minority Leader Franklin Drilon, paglabag sa Bayanihan 1 ang hindi pagbibigay ng ikalawang bugso ng SAP sa apat na milyong mahihirap na pamilya.

 


Ito ang naging pahayag ng mga Senador matapos sabihin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may natitira pang 10-bilyong piso na pondo sa ilalim ng SAP dahil nabawasan ang 18-milyong mga mahihirap na pamilyang benepisyaryo nito.



Ayon naman kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara sa DSWD, ipamahagi na sa lalong madaling panahon ang nabanggit na salapi dahil ito ay emergency funds na inilihis mula sa ibang mga programa ng gobyerno para tulungan ang mga pamilya at indibidwal na higit na apektado ng pandemya.


Nadismaya naman si Senator Joel Villanueva na nagmungkahi sa DSWD na magpatulong sa Deprtment of the Interior and Local Government (DILG) para kastiguhin ang mga Local Government Unit (LGU) na atrasadong mabigay ng listahan ng mga benepisaryo ng SAP.


Sa pahayag naman ni Senator Risa Hontiveros, nakakagalit na iniipit ang pondo ng SAP na dapat ibigay sa mga nangangailangan lalo’t muling pinairal ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at ilan pang lugar nitong Agosto at hanggang ngayon ay marami pa rin ang nawalan ng trabaho o kabuhayan.

Sinabi naman ni Senator Panfilo Ping Lacson na marami ang hindi nakatanggap ng ayuda bilang resulta ng sablay na pagpaplano, preparasyon, koordinasyon ay implementasyon.

Source: Noypi Ako
Ayon sa Ilang Senador, Labag sa Bayanihan 1 ang Hindi Naipamigay na P10 Bilyon Bahagi ng SAP Fund Ayon sa Ilang Senador, Labag sa Bayanihan 1 ang Hindi Naipamigay na P10 Bilyon Bahagi ng SAP Fund Reviewed by pinoyako on September 24, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close