BREAKING NEWS

Nico Waje naghain ng counter-affidavit sa isinampang kaso ni Athena Imperial

Nico Waje naghain ng counter-affidavit sa isinampang kaso ni Athena Imperial

NAGSUMITE ng counter-affidavit ang news anchor na si Nico Waje kaugnay ng kasong acts of lasciviousness at gender-based sexual harassment na isinampa ng dating kasamahan sa GMA Integrated News na si Athena Imperial.

Para sa mga hindi aware, ang acts of lasciviousness ay nakapaloob sa Article 336 ng Revised Penal Code at ang gender-based sexual harassment ay alinsunod sa Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act.

Base sa inilabas na ulat ng GMA News Online noong Biyernes, June 19, kasama ni Nico na nagpunta Quezon City Prosecutor’s office ang misis at abogadong si Atty. Leo Lalusis para maghain ng resolusyon.

Tumanggi naman ang kampo ng news anchor na isapubliko ang laman ng kanyang counter-afdidavit.

Baka Bet Mo: Athena Imperial naghain ng reklamong acts of lasciviousness laban kay Nico Waje

“Ang importante dito is ‘yong kliyente namin, si Sir Nico, is very ready to answer any allegation against him,” saad ni Atty. Leo.

Ayaw na rin daw kasi nilang pangunaha. Ang magiging desisyon ng public prosecutor.

“In fact, from the beginning naman, siya ‘yong naglakas ng loob para harapin ‘tong mga kaso kasi alam naman niya sa sarili niya na wala naman siyang kasalanan. ‘Yon naman ‘yong importanteng bagay dito na hinarap niya ‘yong kaso,” pagpapatuloy ng abogado ni Nico.

Matatandaang noong May 13 nang maghain ng kaso si Athena laban sa dating kasamahan sa GMA Network.

Hindi na rin nila idinetalye oa ang nilalanan ng kanilag complaint affidavit na isinumite sa piskalya.

The post Nico Waje naghain ng counter-affidavit sa isinampang kaso ni Athena Imperial appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Nico Waje naghain ng counter-affidavit sa isinampang kaso ni Athena Imperial Nico Waje naghain ng counter-affidavit sa isinampang kaso ni Athena Imperial Reviewed by pinoyako on June 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close