Kapatid ni Regine Velasquez inireklamo electricity bill, sinagot ng Meralco
VIRAL ngayon ang hinaing ng kapatid ni Regine Velasquez na si Cacai Mitra hinggil sa kanyang Meralco bill na umabot ng halos P95,000.
Nitong June 16, ibinandera niya sa kanyang Facebook page anc larawan ng kanyang latest electricity bill na nagpapakitang may kabuuang halagang PHP94,355.21.
“Ayoko na sana makisabay, pero mahimatay naman ako dito Meralco,” panimula ni Cacai.
Pagpapatuloy niya, “Super conscious na nga ako sa gamit ng kuryente. Bahay lang po kami, hindi commercial building.”
Baka Bet Mo: Meralco: Walang putulan hanggang Setyembre
Giit ni Cacai, maingat sila sa paggamit ng kuryente sa kanilang bahay kaya hindi niya maiwasang magtaka sa taas ng kanilang bill.
Ayon sa statement, nakapagtala ito ng konsumo na 5,920 kWh sa average na singil na PHP15.94 kada kWh.
Agad ngang umani ng samu’t-saring komento at reaksyon ang post ng kapatid ni Regine lalo na’t marami ang nakaka-relate sa tuluy-tuloy na taas ng singil sa kuryente.
Tumugon naman ang Meralco sa rekalmo ni Cacai at sinabing nakipag-ugnayan na ito sa kanila upang talakayin nang detalyado ang kanyang bill.
Ayon sa Meralco, ang account ng talent manager-concert producer ay nakategorya bilang high-load service, na karaniwang inilalapat sa mga tahanan o ari-ariang may mas mataas na konsumo ng kuryente kumpara sa karaniwang residential users.
“Ms. Cacai’s account is classified as a high-load service and there was no unusual surge in her consumption, which is also reflected in the historical chart in her bill,” saad ng Meralco.
Dagdag pa ng kumpanya, ang konsumo na naitala sa naturang billing period ay naaayon sa kanyang karaniwang pattern ng paggamit ng kuryente.
“The increase in her electricity usage during the period in question is consistent with her seasonal consumption pattern.
“The actual consumption remains within the normal range of her previous bills, both when compared with the preceding months and with the same period last year,” pagpapatuloy ng Meralco.
Handa naman ang elctric company na magsagawq ng inspeksyon kina Cacai upang magbigay ng mas malinaw na paliwanag tungkol sa breakdown ng kanyang bill at matugunan ang mga concerns nito.
The post Kapatid ni Regine Velasquez inireklamo electricity bill, sinagot ng Meralco appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
June 20, 2026
Rating:

No comments: