Kim Atienza inilantad bakit ‘bastos’ kabataan ngayon
DIRETSAHANG naglabas ng saloobin ang Kapuso trivia master at TV host na si Kuya Kim Atienza sa tanong kung bakit “bastos” na raw ang kabataan sa panahon ngayon.
Isang Threads user kasi ang nag-post at hindi napigilang magtanong patungkol sa mga henerasyon ng kabataan ngayon.
“Natutunan sa matatanda,” maikli ngunit diretsahag sabi ni Kuya Kim.
Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa madlang netizens ang naturang post ng TV host.
Baka Bet Mo: Kuya Kim Atienza nagmalasakit sa netizen, inimbitahan sa Tiktoclock
Sa katunayan, na-screenshot ng mga netizens ang naturang post ni Kuya Kim.
Marami ang agree sa TV host dahil kung anuman ang nakikitang salita at kilos ng mga bata sa matatanda ay madalas nilang makopya.
“Totoo naman eh. Ang manners nahuhubog yan sa tahanan. Kung walang manners ang magulang at pamilya malamang ganyan din mga bata,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “The younger generation refuse to give respect to those who were rude to them. Respect goes both ways, you won’t get it just because you’re closer to the ground.”
“Ang mali ng matanda ay nagiging tama sa mga mata ng bata,” sabi ng isa.
Hirit naman ng isa, “Yes. It’s how parenting works and is influenced.”
The post Kim Atienza inilantad bakit ‘bastos’ kabataan ngayon appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 01, 2026
Rating:

No comments: