BREAKING NEWS

Vice Ganda may plano na nga bang iwan ang ‘It’s Showtime’?

Vice Ganda may plano na nga bang iwan ang 'It's Showtime'?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagiging "missing in action" ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanilang noontime program na "It's Showtime".

May mga chika kasi na bumababa ang ratings ng naturang programa dahil marahil mas marami ang naghahanap sa nag-iisang Meme at dahil wala ito ay may mga supoorters na nagdesisyong huwag munang mag-watch.

Natalakay naman ang naturang chika tungkol kay Vice sa latest upload ng "Showbiz Update" ni Ogie Diaz noong Martes, March 31.

Aniya, marami rin ang nagri-reach out sa kanya kung may alam ba ito sa nangyayari sa dating alaga.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz abangers sa pagkastigo ni Sara Duterte kay Bong Suntay

Pagbabahagi ni Ogie, "Ang daming nagtatanong sa akin, hindi ko naman masagot. Ang una kong nadinig, namamaga ang paa ni Vice. Ang pangalawa kong narinig, judge ba siya sa Drag Race PH?"

May mga kumakalat rin kasing blind item na isang gay Pinoy icon ang magiging parte ng judging table ng Drag Race PH dahil sa pagpanaw ng dating judge na si Jiggly Caliente.

Pagpaparuloy niya, "Yun lang ang nabalitaan ko. Babalik rin naman yan. Alam mo minsan kailangang mag-recharge ni Vice. Ganyan yan. Kilala ko yang lola mo. Kapag ubos na ubos na siya sa Showtime, ang gagawin niyan, gusto lang niyang magmura.

"Aakyat yan sa stage ng Vice Comedy Club. Gusto lang niya mag-vent out kasi may mga words na hindi pwedeng sabihin sa TV at sa personal sasabihin niya para lang maka-release siya 'yung mga hindi niya nasasabi sa ere dahil nga may MTRCB."

Bukod pa rito, maaaring naka-birthday leave lamang ito at naabutan na rin ng Holy Week ang kanyang birthday.

Sa katanungan naman kung may balak si Vice na tuluyan nang iwan ang kanyang noontime program, ang sagot ni Ogie ay: "Hindi naman. Grabe naman ito. Hindi. Dugo't pawis niya 'yan."

Sa chika naman ng pagbagsak ng ratings ng "It's Showtime", nagpahayag rin ng saloobin si Ogie.

"Kaya naman nila Vhong tsaka ni Jhong yan. Siyempre sanay lang talaga ang mga tao na nandoon si Vice… Ganoon talaga. Siyempre walang kawangis si Vice. Papasok at papasok rin yan. Hindi rin niya matitiis yan dahil Business Unit Head siya ng It's Showtime," sabi pa ng talent manager.

The post Vice Ganda may plano na nga bang iwan ang 'It's Showtime'? appeared first on Bandera.


Vice Ganda may plano na nga bang iwan ang ‘It’s Showtime’? Vice Ganda may plano na nga bang iwan ang ‘It’s Showtime’? Reviewed by pinoyako on April 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close