BREAKING NEWS

Vice Ganda desidido na sa 2028, hindi tatakbo; Leni Robredo pa rin

Vice Ganda desidido na sa 2028, hindi tatakbo; Leni Robredo pa rin
Vice Ganda at Leni Robredo

MUKHANG bigo ang mga kilalang personalidad at politiko sa pagkumbinsi kay Vice Ganda na tumakbong presidente sa Eleksyon 2028.

Marami ang nagpu-push sa TV host-comedian na kumandidatong pangulo sa susunod na national elections para may matinding kalaban daw si Vice President Sara Duterte.

Pero tila nakapagdesisyon na nga si Vice dahil ilang beses na siyang nagbitiw ng salita na wala siyang kaplanu-planong sumabak sa mundo ng politika.

Nakachikahan ng BANDERA si Vice kagabi, April 27, at muli nga siyang natanong tungkol sa pangungulit sa kanya na tumakbong presidente sa 2028 dahil malaki ang posibilidad na manalo siya.

Sa katunayan, sa ilang isinagawang mga survey ay nakakasama ang pangalan niya sa mga celebrity na gustong iboto ng madlang pipol.

Reaksyon ni Vice, “Naku, nagpapagod lang sila!” sabay iling tanda ng mariing pagtanggi niya sa idea na maging pinuno ng Pilipinas.

Sa tanong kung sino sa tingin niya ang may potensyal na maging susunod na pangulo ng bansa, “I’m still rooting for Leni.”

Ito’y sa kabila nga ng naging pahayag ng dating bise presidente at ngayo’y alkalde ng Naga City na wala na siyang interes na tumakbo sa national position.

“Well, let’s see, kasi marami namang nagsabi na kung sila lang, hindi na sila tatakbo. Pero dahil sa clamor…kasi ang desisyon naman ng pagtakbo sa pagkapangulo ay hindi lang desisyon para sa sarili mo, e.

“Kaya maraming taong nag-iiba ang desisyon nila, kasi na-realize nila that this is not just about me, di ba?” aniya pa.

E, siya ba, pwede pang magbago ng desisyon hinggil sa pagpasok sa politika, “Ay, hindi na!

Maraming nagsasabi kabilang na ang mga politician at public servant na pwedeng-pwede siyang kumandidato sa anumang posisyon dahil bukod sa matalino ay siguradong hindi raw siya magnanakaw sa kaban ng bayan.

“Marami nang nag-offer, kahit noon pa, pero hindi. That’s not my thing,” aniya pa.

May nagkomento naman na baka siya na raw ang hinihintay na  makapagpapabago sa bansa, mabilis na sagot ni Vice sabay tawa, “Ay, hindi rin!”

The post Vice Ganda desidido na sa 2028, hindi tatakbo; Leni Robredo pa rin appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Vice Ganda desidido na sa 2028, hindi tatakbo; Leni Robredo pa rin Vice Ganda desidido na sa 2028, hindi tatakbo; Leni Robredo pa rin Reviewed by pinoyako on April 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close