BREAKING NEWS

Private workers na nag-duty sa Black Saturday may extra 30% sa sahod –DOLE

Mga nag-duty sa Black Saturday may extra 30% sa sahod –DOLE

SINO sa inyo ang mga nagtrabaho ngayong Black Saturday, April 4?

Alam niyo ba na holiday pa rin ngayon at dapat asahan na may dagdag-bayad!

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), kung mag-report ka sa duty sa espesyal na araw na ito, may extra 30% sa iyong daily wage.

Itong Black Saturday ay itinalaga bilang special non-working day sa bisa ng Proclamation No. 1006, series of 2025, at may guidelines sa Labor Advisory No. 05, s. 2026.

Baka Bet Mo: Save the date! Official list ng 2026 holidays, long weekends inilabas na

Paano ba kino-compute ang bayad? Ang mga manggagawang magtatrabaho nang walong oras o higit pa sa Black Saturday ay makakatanggap ng 130% ng kanilang regular pay. 

Kung mag-overtime, may dagdag na 30% sa hourly rate, base sa holiday rate. 

Kapag ang Black Saturday ay kasabay ng kanilang rest day, ang unang walong oras ng trabaho ay babayaran ng 150% ng basic wage, at ang anumang overtime sa araw na iyon ay may karagdagang 30% sa hourly rate, on top of the higher 150% base.

Pero tandaan, kung hindi ka mag-report sa duty sa araw na ito, walang sahod ayon sa "no work, no pay" rule. 

May exception lang kung may mas pabor na policy ang kompanya o nakasaad sa collective bargaining agreements.

Ayon sa DOLE, malinaw na pay rules ang kailangan para maiwasan ang kalituhan o hindi pagkakaintindihan, habang sinisiguro na tama ang kompensasyon sa mga manggagawa at tuloy ang operasyon ng mga negosyo sa panahon ng Holy Week.

The post Private workers na nag-duty sa Black Saturday may extra 30% sa sahod –DOLE appeared first on Bandera.


Private workers na nag-duty sa Black Saturday may extra 30% sa sahod –DOLE Private workers na nag-duty sa Black Saturday may extra 30% sa sahod –DOLE Reviewed by pinoyako on April 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close