PBBM nagpakilig sa 33rd anniv nila ni FL Liza: You have been my constant
PINUSUAN at ni-like ng mga netizens ang anniversary message ni Pangulong Bongbong Marcos para sa kanyang wifey na si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Nag-post si PBBM sa social media ng “then and now” photos nila ng First Lady kasama ang kanilang mga anak para sa selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng kanilang kasal.
Mababasa sa caption ng Facebook post ng Pangulo ngayong Biyernes, April 17, “33 years of marriage.”
Sey ni PBBM, si FL Liza raw ang kanyang nakasama sa bawat paghakbang niya sa pagtakbo ng panahon sa nakalipas na mahigit tatlong dekada.
“Through every season, in family, in work, and in everything in between, we have walked it together.
Baka Bet Mo: Palasyo kakasuhan mga pupuntirya kay PBBM, first family
“You have been my constant. Steady, wise, and always looking after our family, while never losing sight of others,” mensahe pa ng Pangulo.
Nagpasalamat din si PBBM kay First Lady Liza, “Happy anniversary, Liza. Thank you for the life we have built together.”
Siyempre, hindi rin nagpatalbog ang Unang Ginang sa pagbati ng Presidente para sa kanilang wedding anniversary.
Sa kanyang Facebook page, nag-post din ng litrato nila ni PBBM si FL Liza na may caption na, “Built a life, raised a family and kept the love alive… 33 years strong!”
The post PBBM nagpakilig sa 33rd anniv nila ni FL Liza: You have been my constant appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 17, 2026
Rating:

No comments: