‘Walang gutom na Pilipino’ pangarap ni Pangulong Bongbong Marcos
SA pagbaba niya sa puwesto sa 2028, umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala nang Pilipino ang makararanas ng gutom.
“Sana po ay kahit papaano matupad ang aking pangarap, walana pong gutom na Pilipino,” sambit ni Marcos Jr., sa paglulunsad ng “Biyayang Bigas” program sa Maynila.
Ang programa, sabi pa ng Punong Ehekutibo, ay bahagi ng pagsusumikap ng kanyang administrasyon na matugunan ang isyu sa seguridad sa pagkain sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin.
Naglaan niya ng P15 bilyon para sa pagpapatupad ng programa sa buong bansa sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF).
Sa lungsod ng Maynila, halos 80,000 ang benepisyaryo ng programa at sila ay anim na beses na tatanggap ng tig-10 kilo ng bigas sa loob ng isang taon.
Naging saksi sa paglulunsad ng programa si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
The post ‘Walang gutom na Pilipino’ pangarap ni Pangulong Bongbong Marcos appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 16, 2026
Rating:

No comments: