BREAKING NEWS

Manny Pacquiao sa laban nila ni Floyd Mayweather: It’s a real fight!

Manny Pacquiao sa laban nila ni Floyd Mayweather: It's a real fight!
PHOTO: Instagram/@mannypacquiao

SERYOSO ang inaabangang laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao!

Sa isang panayam sa Ring Magazine, tiniyak ng boxing icon na hindi siya tatanggap ng exhibition fight laban sa kanyang matagal nang kalaban na si Floyd "Money" Mayweather.

Ibinunyag din ni Pacquiao na pumirma sila ni Mayweather ng kontrata para sa isang "real professional fight," taliwas sa mga pahayag ng huli.

Matatandaang nitong nakaraang linggo, sinabi ni Mayweather sa U.S. media na ang kanilang rematch ay magiging exhibition fight.

Baka Bet Mo: Pacman nag-flex ng luxury watch, puno ng diyamante: Hindi 'yan flood control ha!

Dahil dito, nagkaroon ng isyu sa kontrata, na ayon kay Jas Mathur, CEO ng Manny Pacquiao Promotions, posibleng lumabag si Mayweather sa kanilang napirmahang professional fight agreement.

Naka-schedule ang laban sa September 19 sa The Sphere sa Las Vegas, at ito ay ipapalabas nang live sa Netflix.

Giit ni Mathur, mula pa sa simula ay nakapirmang professional fight ang laban at walang napag-usapan na exhibition.

"If that's what he's feeling, he's signed a contract for a real fight," sey ni Pacquiao sa Ring Magazine interview habang nagaganap ang fight card sa California, kung saan nanalo ang panganay niyang anak na si Jimuel.

Dagdag pa ng boxing champ, "Yes, the contract we signed is for a real fight. I wouldn't fight an exhibition. It's a real fight."

Ayon sa kontrata, kung tatanggi si Mayweather o ipilit na exhibition ito, maaari siyang pagmultahin ng malaki dahil sa breach of contract.

Si Pacquiao at Mayweather ay nagharap na dati sa tinaguriang pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boxing noong May 2, 2015, sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Doon, naglaban sila para sa unified WBA, WBC, WBO, at The Ring welterweight titles, at nanalo si Mayweather sa unanimous decision. 

Inamin ni Pacquiao pagkatapos ng laban na may right shoulder injury siya na hindi niya sinabi bago ang laban.

The post Manny Pacquiao sa laban nila ni Floyd Mayweather: It's a real fight! appeared first on Bandera.


Manny Pacquiao sa laban nila ni Floyd Mayweather: It’s a real fight! Manny Pacquiao sa laban nila ni Floyd Mayweather: It’s a real fight! Reviewed by pinoyako on April 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close