BREAKING NEWS

Lito Camo senti mode sa career sa ABS-CBN: Diyan nabago ang buhay ko!

Lito Camo senti mode sa kanyang career sa ABS-CBN: Diyan nabago ang buhay ko!
PHOTO: Facebook/Wish 107.5

WALANG prangkisa pero tuloy ang laban ng ABS-CBN para pagsilbihan ang taumbayan, at higit sa lahat, para masuportahan ang mga empleyadong nanatili sa kanila sa hirap at ginhawa.

Sa kabila ng mga pagsubok, marami sa kanilang mga dating at kasalukuyang empleyado ang nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa pamunuan ng network.

Isa na rito ang sikat na novelty singer at composer na si Lito Camo, na aminadong malaki ang naging papel ng ABS-CBN sa pagbabago ng kanyang buhay.

“Ako, ang laking tulong. Diyan nabago ang buhay ko! Twenty years ago, simpleng Lito Camo lang ako—nakakabili ng bigas, ulam, nakakapagpa-gasolina sa maliit kong sasakyan,” emosyonal niyang pahayag sa kanyang panayam sa “Men’s Room,” ang online show nina Stanley Chi at Janno Gibbs sa YouTube channel ng One News PH.

Baka Bet Mo: Coco Martin, Julia Montes nanindigan: Babangon muli ang ABS-CBN!

Ayon kay Lito, nagsimulang magbago ang takbo ng kanyang karera nang isulat niya ang kantang “Otso-Otso” na pinasikat ni Bayani Agbayani.

Matapos siyang pasalamatan sa isang programa ng ABS-CBN, sunod-sunod na ang alok sa kanya na gumawa ng mga kanta.

Pero bago pa man siya tuluyang mapasama sa Kapamilya network, una siyang kinomisyon ng “Eat Bulaga” upang gumawa ng opening at closing theme songs ng programa.

Dito rin sumikat ang kantang “Ispageti” ng Sexbomb Girls, na naging pambansang LSS at nagpasikat sa grupo.

Sa sobrang kasikatan ng kanyang mga likha, isang TV executive mula sa ABS-CBN ang personal na nakipagkita sa kanya sa loob ng ELJ Building at inalok siyang gumawa ng kanta para sa “Magandang Tanghali Bayan.”

Balik-alaala ni Lito, “Sabi sa akin, kung pwede raw akong gumawa ng kanta tulad ng ginawa ko sa Sexbomb kasi sobrang sikat, igawa mo kami rito sa MTB (Magandang Tanghali Bayan – 1998).  Napatingin ako sa langit, naku paano po kaya ‘yun nakakahiya po kasi alam nilang ako ang gumagawa tapos malalaman nila.”

Inalok daw ng TV executive si Lito ng P500,000 o kalahating milyon kada kanta na ikinagulat nina Stanley at Janno.

Sinabihan daw si Lito na pag-aralan ang offer sa kanya, bagay na binanggit niya ito sa asawa at sinabing tanggapin dahil mag-aaral na ang mga anak nila bukod pa sa manganganak pa.

Walang kontrata sa EB si Lito kaya tinanggap na rin niya ang offer at nanganak ang misis ni Lito ng August 8, kaya doon nabuo ang “Otso-Otso” ni Bayani Agbayani na pakiusap nito sa executive na huwag ilagay ang pangalan niya dahil nakakahiya sa katapat na programa ng MTB at nag-okay naman daw ang ehekutibo.

At sabi nga walang lihim na hindi nabubunyag na dahil sa pinasalamatan siya ni Bayani sa national TV ay nalaman ng direktor noon ng EB at hindi na siya pinag-report pa na naintindihan naman daw ni Lito.

Pagkatapos ng isang hit song na “Otso-Otso” ay inalok na raw si Lito ng TV executive ng limang taong ekslusibong kontrata na every year.

Hanggang pati kanta ni Manny Pacquiao na “Para Sa ‘Yo ang Labang ito” ay siya na rin ang sumulat at sa iba pang sikat na mang-aawit noon hanggang kasama na si Willie Revillame at ginawan niya ng album.

Marami pang lumapit na politiko kay Lito tulad ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at hinihingi ang “Otso-Otso” at binayaran siya ng malaki, pero hindi raw pumayag ang ABS kaya tinapatan ang bayad sa kanya ng nasabing politiko.

Sa tanong ni Janno, sa current sitwasyon nila (malaking lugi) ngayon hindi ba nila binabawi?

Natawa nang malakas si Lito at sinabing hindi naman daw at ibang kanta na lang ang ibinigay niya sa lady politician, ang “Pito-Pito” na ginawa niya kay Willie.

Sa kasalukuyan ay mabenta pa rin si Lito dahil marami siyang ginawan ng kanta at naglambing na sana suportahan sina Elias TV, Marcelito Pomoy, at iba pa.

The post Lito Camo senti mode sa career sa ABS-CBN: Diyan nabago ang buhay ko! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Lito Camo senti mode sa career sa ABS-CBN: Diyan nabago ang buhay ko! Lito Camo senti mode sa career sa ABS-CBN: Diyan nabago ang buhay ko! Reviewed by pinoyako on April 17, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close