BREAKING NEWS

Kitkat nagkulay dugo ang mga mata dahil sa init, anyare?!

Kitkat nagkulay dugo ang mga mata: 'pumutok ang blood vessels dahil sa init!'
PHOTO: Instagram/@favkitkat

NAPUTUKAN ng blood vessel sa parehong mata ang TV host, singer, at aktres na si Kitkat Favia dahil umano sa matinding init ng panahon.

Ibinandera ni Kitkat sa kanyang Instagram Stories kahapon, April 16, ang larawan ng kanyang mga matang namumula at tila kulay dugo, na ikinagulat ng kanyang followers.

Ayon sa caption ng aktres, “Kung kailan may taping pa! Ingat tayo, sobrang init talaga.”

“Kung ‘yung iba dinudugo ang ilong sa init, ako naman—ayan, sa mata pumutok ang blood vessels! Hay! Dito medyo humupa na after 24 hours pero kumakalat na naman,” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Kitkat nagparetoke uli: Ayokong ma-expire! Pasok mga bashers! 

Kinamusta naman ng BANDERA si Kitkat upang alamin ang lagay ng kanyang mga mata, lalo na’t tila hindi pa ito tuluyang gumagaling.

Sa pamamagitan ng Messenger, ang sagot niya, “Hindi pa po, Ma’am. Kagabi lang eh, tapos nag-taping ako kanina na ganyan pa rin ang itsura ko.”

Dagdag pa niya, base sa payo ng kanyang doktor, “Sa init talaga, kung normal naman ang BP mo, subconjunctival hemorrhage ‘yan.”

Mas lalo pang nalungkot ang aktres nang malaman na wala palang agarang gamot para sa naturang kondisyon.

Ayon sa kanyang ophthalmologist, may pumutok na blood vessel sa kanyang mata.

Maaaring subukan ang naphazoline eye drops, ngunit hindi nito tuluyang mawawala ang pamumula.

“Parang pasa lang ‘yan—kusa rin mawawala. Mga dalawang linggo ang itatagal,” paliwanag umano ng doktor.

Sa kabila nito, patuloy na nag-iingat si Kitkat at pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa matinding init na maaaring magdulot ng iba’t ibang kondisyon sa katawan.

The post Kitkat nagkulay dugo ang mga mata dahil sa init, anyare?! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Kitkat nagkulay dugo ang mga mata dahil sa init, anyare?! Kitkat nagkulay dugo ang mga mata dahil sa init, anyare?! Reviewed by pinoyako on April 17, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close