Last will & testament ni Nora Aunor muling naungkat, anyare kay Lotlot?
MULING naungkat ang usapin tungkol sa sinasabing iniwang last will and testament ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Ito’y matapos ngang ibandera ni Ian de Leon, ang biological son ni Ate Guy at ni Christopher de Leon, ang tungkol sa pagiging solong legal na tagapagmana ng kanyang ina.
Ngayong araw, April 16, gugunitain ang unang death anniversary ni Ate Guy kung saan inaasahang muling magtitipun-tipon ang kanyang pamilya at mga tagasuporta sa Libingan ng mga Bayani.
Paliwanag ni Ian sa isang panayam, kailangang may isang taong mangalaga sa naiwang legasiya ng Superstar at magbigay proteksyon sa pangalan, intelectual property at imahe nito bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.
“We had to establish structure and authority, and to put order to things for these people (fans and audiences) to genuinely still enjoy her essence, even though she’s not around,” ang sabi ng aktor sa “Beyond the Exchange.”
“I am, legally speaking, the sole heir of Mom, but, of course, the responsibility holds me accountable for many things, first and foremost, all the things that she has left behind, like her movies and her body of work, like in the music industry,” aniya pa.
Pero ang tanong ng madlang pipol, anu-ano nga ba ang isinasaad ng last will and testament ni Ate Guy kung meron man at kung paano niya pinaghati-hati ang mga naiwang ari-arian sa kanyang mga anak.
Sa ilang beses na nakausap ng media si Ian ay iisa lamang ang kanyang laging sinasabi, nais ng kanilang pamilya na manatiling confidential ang usaping ito.
“It remains confidential. Siyempre yung mga inaayos rin namin, yung sa personal na mga bagay.
“Beyond that, it’s confidential. I hope people will respect that,” ang sabi ng aktor.
Sa pagkakaalam namin, may mga lupain pa ang Superstar sa Bicol at ito nga raw ang inaasikaso niya noong nabubuhay pa siya, kabilang na yung may mga problemang legal dahil sa panloloko sa kanya.
Samantala, wala namang nabanggit si Ian kung si Ate Guy mismo ang nagbigay sa kanya ng karapatan upang pangasiwaan ang mga naiwan nitong assets o ari-arian.
May mga nagtatanong kasi kung bakit hindi ang panganay niyang kapatid na si Lotlot de Leon ang namumuno at nangangasiwa sa operasyon ng binuong Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation.
Ayon kay Ian, bilang solong legal na tagapagmana ni Nora, hindi naman daw ito nangangahulugang wala nang koneksyon o ugnayan ang kanyang mga kapatid sa kanilang pamilya.
So, nasaan sa senaryo ang mga adopted siblings ni Ate Guy na sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon.
“I respect my siblings a lot. Under the law, I hold the responsibility to do this, first and foremost. It’s not just mainly for show, it’s not mainly for fame, or just because I’m the sole heir, not to brag about.
“But, of course, I hold the responsibility to do this in their favor,” paliwanag ni Ian.
Dugtong niya, “It’s not an inclusion or family politics. My responsibility here does not exclude them or erase them from any family relationships.”
Pagpapatuloy pa ng aktor, “To fast-track the legacy management of Mom, it first has to be legalized, and as the sole heir, it is my responsibility to do all of that work.”
Ginagawa raw itong lahat ni Ian hindi para sa kanyang sarili, “just for the sake of mom and for the management of her legacy.”
The post Last will & testament ni Nora Aunor muling naungkat, anyare kay Lotlot? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 17, 2026
Rating:

No comments: