BREAKING NEWS

Labi ng nasawing Filipina sa Israel missile attack balik-Pinas na

Labi ng nasawing Filipina sa Israel missile attack balik-Pinas na

NAIUWI na ngayong araw ang labi ng Filipina na kabilang sa mga nasawi sa missile attack sa Haifa, Israel.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs. (DFA), tinanggap ng pamilya ng nasawing si Lucille Jean Gersovich ang mga labi nito.

Tinamaan ng missile mula sa Iran ang gusali sa Haifa kung saan nakatira si Gersovich noong Abril 5.

Nasawi din sa insidente ang kanyang mister na Israeli national na si Dimitri Gersovich at kanyang mga biyenan na sina Lena at Vladimir Gersovich.

Ayon pa sa DFA, sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Avic, DFA-Office for Migration Affairs at Consular Office sa Clarin maiuuwi sa Lanao del Norte ang mga labi ng nasawing Filipina.

The post Labi ng nasawing Filipina sa Israel missile attack balik-Pinas na appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Labi ng nasawing Filipina sa Israel missile attack balik-Pinas na Labi ng nasawing Filipina sa Israel missile attack balik-Pinas na Reviewed by pinoyako on April 16, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close