Kakai Bautista sa mga ‘di nagka-karne pero ‘kumakabit’: Mag-gulay ka na lang!

TILA may patutsada ang actress-comedienne na si Kakai Bautista sa mga hindi kumakain ng karne tuwing Semana Santa ngunit pumapatol naman sa mga may asawa.
Sa kanyang Facebook page nitong Biyernes, April 3, ibinahagi niya ang mensahe sa mga "kabit".
"Hindi ka kakain ng KARNE sa Byernes Santo, Pero Pumapatol ka sa may asawa. Mag gulay ka nalang bhie," saad ni Kakai.
Makikita namang havey na havey sa mga netizens at followers ng aktres ang kanyang naging banat.
Baka Bet Mo: Kakai Bautista humirit, mga politiko dapat may malasakit sa bayan
Narito ang ilang komento mula sa Facebook post ni Kakai.
"Considered as gulay din daw po un, pechay ni shubet. O kaya tilapia ni shubet pasok pa din daw sa mahal na araw, kc nagmahal lang daw sila… Char!" saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Daming tinamaan siguro nito. Buti nalang kumakain kami nang Karne kahit webes o Byernes."
"Too risky to share," hirit naman ng isa.
Samanatala, may pahabol naman si Kakai na paalala sa mga followers.
"Aba eh wag nyong itag dito ang shubet ng mga asawa nyo. ASAWA meaning KASAL kayo. LEGAL.
"Buburahin ng ADMIN ko ang mga parinig, tag, sagutan. KUNG MAY PROBLEMA kayo sa PAMILYA ayusin nyo in Private. WAG sa Ka-CHEAPAN sa Social Media. Isipin nyo palagi ang kahihiyan at TRAUMA nyan sa mga anak nyo, Ok?" sey ni Kakai.
The post Kakai Bautista sa mga 'di nagka-karne pero 'kumakabit': Mag-gulay ka na lang! appeared first on Bandera.

No comments: