Arny Ross emosyonal matapos makunan sa ikalawang anak, kumakapit sa Panginoon

HINDI napigilan ng actress-comedienne na si Arny Ross ang maiyak matapos siyang magkaroon ng miscarriage.
Ang malungkot na balita ay ininahagi niya nitong Huwebes, April 2, sa pamamagitan ng isang Instagram post kasama ang kanyang asawang si Franklin Banogon.
Sa video, makikitang magkasamang nananalangin sina Arny at Franklin sa loob ng kanilang sasakyan habang hawak ang sonogram ng kanilang pangalawang anak.
Baka Bet Mo: Maria Ozawa bumanat sa Pinoy bashers: Blaming me for Mariel's miscarriage is wrong
"We lost our baby… And it still hurts more than words can explain," saad ni Arny sa caption.
Sa kabila ng matinding lungkot, ibinahagi ng dating "Bubble Gang" star kung paano naging sandigan ang kanilang pananampalataya sa isa sa pinakamahirap na yugto ng kanilang buhay.
"But in the middle of the pain, we found ourselves holding on to You, Lord. Hindi ko man maintindihan ngayon, I trust that Your plans are always better," lahad pa ni Arny.
Ayon pa sa kanya, kumakapit sila sa kanilang pananampalataya upang matulungan silang makayanan ang pagkawala.
"I chose to focus on Your Word, not on what I lost — because in You, I find strength, peace, and hope.
"Kasi, diba pag nag focus ka sa nawala sayo, paulit ulit mo lang mararamdaman yung sakit, pero pag nag focus ka sa word ni Lord, sa messages Niya for You, yun ang mag sisilbing lakas mo. Kaya Lord THANK YOU. Thank You, even in the pain," pagtatapos ni Arny.
Sa hiwalay na Instagram post, ibinahagi rin ng komedyana ang isang larawan niya sa ospital habang niluluksa ang pagkawala ng kanilang anak.
"We surrender the pain to the One who understands. Your promises are bigger than our pain. You are still faithful," sey ni Arny.
Noong Marso, inanunsyo niya na inaasahan nila ang kanilang pangalawang anak.
The post Arny Ross emosyonal matapos makunan sa ikalawang anak, kumakapit sa Panginoon appeared first on Bandera.

No comments: