BREAKING NEWS

Jonvic Remulla personal na nag-sorry sa lalaking hubad na nasita, natiketan

Jonvic Remulla personal na nag-sorry sa lalaking hubad na nasita, natiketan
Jonvic Remulla

PINUNTAHAN at personal na humingi ng paumanhin si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa lalaking nakahubad sa Mandaluyong City.

Natiketan kasi ang naturang lalaki habang naghahalo ng semento sa Barangay Addition Hills sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng DILG.

Ito’y bahagi pa rin ng ipinatutupad na kampanyang Safer Cities Initiative ng ahensiya kung saan sinisita ang mga taong nasa labas ng kanilang mga bahay na walang damit.

Bago pa bisitahin ni Remulla ang lalaking nasita sa bahay nito nauna na siyang humingi ng dispensa noong Lunes, April 13 kasabay ng pangakong pakikipag-areglo.

“Ako po’y humihingi ng paumanhin at pupuntahan ko po siya sa mga susunod na araw. Sasabihin ko na ako na po ang hihingi ng paumanhin. 

“It was my fault that I did not give clearer instructions on how to do the Safer Cities Initiative. Nagkulang po ako doon,” ang pahayag ni Remulla. 

Sa isang video, makikita nga ang opisyal at ang lalaki na magkasama at magkatabing nakaupo sa silya habang nag-uusap.

“Kasalanan ko kasi yan kasi hindi ko naklaro sa kanila kung ano talaga ang mga patakaran. Siyempre alam ko naman na ang nagtatrabaho dito, mainit at magtatanggal ka talaga ng t-shirt,” ani Remulla. 

“Siyempre ganado ang mga bata natin, e. Ganado masyado kaya sabi ko, ‘Easy muna,’” saad pa niya. 

Sey pa niya, “Dala ‘yan ng mga pulis na gusto talagang i-push ‘yong patakaran namin. Kasi lalo na dito sa lugar n’yo, maraming nagkakasakitan dito, ‘di ba? 

“Kaya dito, pinipilit namin na walang inuman, ‘yong mga bata ay pinapauwi namin nang maaga, para naman sa lahat ‘yan, e,” sabi pa ni Remulla.

Samantala, nagpaliwanag naman ang misis ng nasitang lalaki na si Ginang Norietta Lanquino na nag-viral din sa social media matapos ipagtanggol ang mister.

“Hindi naman po kami against talaga doon. Nag-react lang po talaga ako kasi… kumbaga dapat po warning talaga, ‘di ba? Ticket po kasi agad,” aniya.

Esplika naman ni Remulla, “Dala ng ano ‘yan, dala ng ganado lang. Pero hindi naman personal ‘yon. Hindi ka naman kilala ng mga ‘yon, ‘di ba?” 

“Pero para sa lahat talaga ‘yan. Wala ba kayong napansin, tumahimik na ang barangay ninyo? Umunti na ang gulo rito, ‘di ba? 

“Mga bata, umuuwi na nang maaga, wala nang nag-iinom sa kalye. Doon nag-uumpisa ang lahat, e. 

“Basta nagtatrabaho, puwede. Pero ‘yong mga tambay na nalabas lang diyan, bawal ‘yun,” ang paniniguro pa ng kalihim.

The post Jonvic Remulla personal na nag-sorry sa lalaking hubad na nasita, natiketan appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Jonvic Remulla personal na nag-sorry sa lalaking hubad na nasita, natiketan Jonvic Remulla personal na nag-sorry sa lalaking hubad na nasita, natiketan Reviewed by pinoyako on April 16, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close