BREAKING NEWS

Bong Go: Balatan man ako, tatak Duterte pa rin ako! 

Bong Go: Balatan man ako, tatak Duterte pa rin ako! 
Rodrigo Duterte at Bong Go

IBINANDERA ni Sen. Bong Go sa buong mundo na hanggang kamatayan na ang kanyang katapatan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) kamakailan, tiniyak ni Go na ang pagiging tapat niya sa dating pangulo ay ibibigay din niya sa lahat ng miyembro ng dating Unang Pamilya.

Aniya ibubuhos niya ang kanyang buong suporta da kandidatura ni Vice President Sara Duterte sa pagsabak nito sa 2028 presidential election.

“Makakabalik lang tayo sa normal na pamumuhay kung magiging presidente po si VP Inday Sara,” sabi pa ng senador.

Hinimok niya ang lahat ng miyembro ng partido na muling patatagin ang PDP.

“Ang importante po dito yung legacy ni Tatay Digong na maibalik po natin para hindi po masayang yung inumpisahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,” dagdag pa niya sabay hiling na ipagdasal ang kalusugan ng dating pangulo.

The post Bong Go: Balatan man ako, tatak Duterte pa rin ako!  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Bong Go: Balatan man ako, tatak Duterte pa rin ako!  Bong Go: Balatan man ako, tatak Duterte pa rin ako!  Reviewed by pinoyako on April 16, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close