BREAKING NEWS

Jimuel Pacquiao pinabagsak agad si Darrick Gates sa round 2 ng Pro Boxing

Jimuel Pacquiao pinabagsak agad si Darrick Gates sa round 2 ng Pro Boxing
PHOTO: Instagram/@shotby_eristheo

IBANG klase talaga kapag may dugong Pacquiao sa boxing ring!

Sa laban ni Jimuel Pacquiao nitong Black Saturday, April 4, na-knockout niya agad ang American boxer na si Darrick Gates sa ikalawang round pa lang.

Dahil diyan, kitang-kita ang improvement ng panganay na anak ng boxing living legend na si Manny mula nang mag-debut ito noong nakaraang Nobyembre, kung saan nagtapos lamang sa tabla ang laban kay Brendan Lally, isa ring Amerikanong boksingero.

Sa latest na laban, ibinandera ni Jimuel ang kanyang killer instinct sa ring, na walang humpay ang hampas ng kamao, nagpalitan ng matitinding combination hanggang sa isang malupit na right hook ang nagpatumba kay Gates sa canvas!

Baka Bet Mo: Eman Pacquiao, Jimuel pinaglalaban, sino'ng mas nagmana kay Pacman? 

Nakaangat man si Gates, tila humina ang tuhod nito kaya nagkaroon ng pagkakataon si Jimuel na muling sumuntok upang mapatalsik si Gates sa ropes at tuluyan nang bumagsak.

Dito, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang referee at tinapos na ang laban.

Sa panalo na ito, nagsimula nang bumuo si Jimuel ng momentum sa kanyang maagang karera. 

Unti-unti na rin niyang tinatahak ang yapak ng kanyang kapatid, si Eman "Bacosa" Pacquiao, na may record na 8-1-1 at limang knockouts.

The post Jimuel Pacquiao pinabagsak agad si Darrick Gates sa round 2 ng Pro Boxing appeared first on Bandera.


Jimuel Pacquiao pinabagsak agad si Darrick Gates sa round 2 ng Pro Boxing Jimuel Pacquiao pinabagsak agad si Darrick Gates sa round 2 ng Pro Boxing Reviewed by pinoyako on April 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close