Inom pa more: Mga Pinoy summer drinks na nakaka-refresh, swak sa init!
Grabe na naman ang init, mga ka-BANDERA! Sa ganitong panahon, automatic na ang hanap ng katawan natin ay malamig, matamis, at nakaka-refresh na inumin.
Kaya naman, kaliwa’t kanan ang bentahan ng iba’t ibang drinks, mula sa mga kanto classic hanggang sa mga pa-susyal na iced beverages.
Narito ang ilang traditional Pinoy drinks na patok noon, at hanggang ngayon:
Sago’t gulaman
Ang OG summer drink na hindi nawawala kahit saan! Pinagsamang arnibal, sago pearls, at gulaman na swak sa tamis at lamig.
Fun fact: Ang gulaman ay gawa sa seaweed kaya may taglay itong dietary fiber na good for digestion.
Baka Bet Mo: IWAS-PUTOK: 10 tips para cool at fresh pa rin ngayong tag-init
Samantalang ang sago naman ay nagbibigay ng quick energy, kaya instant pampalakas din ito sa gitna ng init.
Buko juice
Fresh, natural, at straight from the niyog! Bukod sa nakaka-refresh, kilala rin ang buko juice bilang natural electrolyte drink, na perfect pampalit sa mga nawawalang fluids kapag sobrang pawis ka na sa init.
Ang good news pa, mababa ito sa calories at may potassium, kaya good for the heart!
Palamig (samalamig)
Ito ang pinaka makulay na inumin tuwing summer! May iba’t ibang flavors kasi ito tulad ng melon, pandan, at saging na kadalasang may halong sago o gulaman.
Fun fact: Ang tawag na “samalamig” ay galing sa salitang “sama-sama” at “malamig,” dahil halo-halo ang ingredients.
Swak ito sa budget at sa mga naghahanap ng instant lamig!
Calamansi juice
Ang asim-sarap na inuming ito ay hindi lang pampawi-uhaw, kundi loaded din sa Vitamin C na pampalakas ng immune system.
Perfect din ito pang-detox at good for the skin, kaya hindi lang presko, kundi pang-glow-up pa!
Salabat (iced version)
Ang salabat o ginger tea kapag pinalamig at nilagyan ng honey o lemon ay nagiging refreshing drink na may health benefits.
Kilala ang luya sa anti-inflammatory properties nito at nakakatulong sa digestion, kaya panalo pa rin kahit chilled version.
Pero teka mga beshie, hindi rin nagpapahuli ang modern iced drinks!
Habang tumatagal, mas nagiging creative at susyal ang mga Pinoy pagdating sa inumin.
Mula sa simpleng palamig, ngayon ay puno na ng aesthetics at unique flavors ang mga drinks na patok sa kabataan.
Heto ang ilang modern iced drink na trending ngayon, lalo na sa mga Millennials at Gen Z!
Iced coffee (flavored latte, cold brew)
Para sa mga laging puyat o kailangan ng extra energy boost, ito ang ultimate go-to drink!
Mula sa classic iced latte hanggang sa cold brew na mas smooth at hindi gaanong acidic, talagang patok ito sa café culture.
May mga flavors pa tulad ng caramel, hazelnut, at vanilla kaya mas exciting inumin.
Milk tea
Hindi rin talaga mawawala sa eksena ang mga milk tea! Ang creamy na tsaa na may chewy pearls ay naging staple na ng barkadahan at study sessions.
May iba’t ibang flavors din ito tulad ng classic, wintermelon, taro, at kahit cheesecake-inspired drinks!
Fruit refreshers
Kung bet mo naman ang light at fresh lang, ito ang swak sa’yo! Gawa sa real fruits tulad ng strawberry, mango, watermelon, at passionfruit na kadalasang may halong soda o tea base.
Bukod sa Instagrammable dahil sa vibrant colors, refreshing din ito sa katawan.
Ang nakakatuwa pa, dahil may pagka-natural din ito, may vitamins mula sa prutas, lalo na Vitamin C na perfect pang-recharge sa gitna ng init!
Mango graham shake
Dessert na, drink pa! Inspired sa classic mango graham cake, pinagsama nito ang tamis ng hinog na mangga, creaminess ng gatas o ice cream, at crunch ng graham crackers.
Super indulgent at nakakabusog, kaya minsan pwede na ring pang-merienda o mini-meal.
Iced matcha / chocolate drinks
Para sa mga may medyo susyal at refined na panlasa, ito ang bet!
Ang iced matcha ay gawa sa finely ground green tea na may earthy flavor, habang ang iced chocolate drinks naman ay rich at comforting.
Fun fact: Ang matcha ay kilala sa calming effect nito dahil sa L-theanine, na nagbibigay ng relaxed alertness, na good combo sa init at stress ng araw!
The post Inom pa more: Mga Pinoy summer drinks na nakaka-refresh, swak sa init! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 16, 2026
Rating:

No comments: