BREAKING NEWS

Claire Castro nakipagbardagulan kay Harry Roque matapos okrayin si PBBM 

Claire Castro nakipagbardagulan kay Harry Roque matapos okrayin si PBBM 

NIRESBAKAN na naman ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Niresbakan ni Castro ang sinabi ni Roque patungkol sa pinag-uusapang health condition ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Binengga kasi ni Roque ang ginawang pagtakbo ni PBBM sa labas ng Malacañang noong Lunes, April 13, habang sinusundan siya ng mga reporter, sa gitna ng mga alegasyong malala na raw ang lagay ng kanyang kalusugan. 

Hirit ng supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, “Mas mabuting mag-release ng medical bulletin kaysa patakbo-takbo ng ilang metro.”

Bwelta naman sa kanya ni Castro, mas okay na raw ang ginawang pagtakbo ng ilang metro ng presidente kesa naman ang tumakbo sa kamay ng batas. 

“Para po sa Pangulo, gusto lamang niyang ipakita sa mga nagmamahal sa kaniya at sa taumbayan kung ano ba talaga ang kaniyang health condition,” ang sabi ni Castro sa kanyang press briefing.

Dugtong pa niya, “Ito po ay para maisantabi ang mga kasinungalingan na ngayon ay nagsi-circulate laban sa kanya.

“Ang pagtakbo po ay hindi masama. Mas maganda po na tumakbo ng ilang metro kaysa tumakbo sa kamay ng batas,” hirit pa ng Palace officer. 

Binalikan pa niya ang ginawa noon ni Duterte na hindi nagpakita sa sambayanang Pilipino sa loob ng ilang linggo pero dinepensahan pa noon ni Roque at ni dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella. 

“At tandaan po natin, kahit naman po noong nakaraang Pangulo, ilang linggo siyang nawawala pero ano ang sinabi ng kaniyang mga alipores at alagad? 

“Ito po, nandiyan po si dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang sabi, ‘As far as I can see, there’s really no need to do that,’ release Duterte’s health records.

“Kahit na po itong si Harry Roque, ang sinabi po niya, ‘I don’t think the people should worry about lack of transparency because the President himself will say what his condition is,’” sey pa niya. 

Dugtong ni Castro, “So, nakita na po natin kung ano ang kondisyon ng Pangulo. Kayo po mismo ang saksi sa ganitong mga paninira nanggaling lamang sa kampo ng nais na pabagsakin ang Pangulo, sila po ay mapanira lamang at walang magawa sa buhay.”

The post Claire Castro nakipagbardagulan kay Harry Roque matapos okrayin si PBBM  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Claire Castro nakipagbardagulan kay Harry Roque matapos okrayin si PBBM  Claire Castro nakipagbardagulan kay Harry Roque matapos okrayin si PBBM  Reviewed by pinoyako on April 15, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close