BREAKING NEWS

Carla Abellana sa luxury bag: Pang-tuition ng magiging anak namin

Screenshot

TILA secured na ang magiging budget ng Kapuso actress na si Carla Abellana para sa magiging edukasyon ng kanilang future kids ni Dr. Reginald Santos.

Sa kanyang latest vlog  ay masayang ibinandera ng aktres for the first time ang mga nilalaman ng kanyang walk-in closet.

“Welcome to my walk-in closet! As you can see, hindi naman siya ganoon kalakihan… Isang rectangular shape lang na walk-in closet. And that’s it! Ito na ‘yun!” masayang sabi ni Carla.

At dahil nga bagong kasal ang aktres ay ka-share na niya ang asawa sa naturang closet.

Baka Bet Mo: Carla Abellana ikinasal na kay Dr. Reginald Santos

Matapos ibandera ang kanilang mga damit, next na ipinakita ni Carla ay ang mga pagmamay-aring high-end shoes at luxury bags.

Karamihan sa mga bag na nasa koleksyon ng aktres ay mga classic pieces mula sa Louis Vuitton dahil sa magandang quality nito.

“Huwag nating kakalimutan ‘yung pinaka-valuable sa aking collection. Nandoon sa pinakataas [na shelf],” lahad ni Carla.

“Nandiyan sila sa taas kasi sila ang pinaka-valuable. Mayroon akong iilang Birkin diyan, mayroon akong Hermès Kelly, Hermès Evelyne. Basically, ‘yong nasa pinakatuktok, ‘yong Hermes Birkin 30 na Gold, pang-tuition fee ‘yan ng mga magiging anak ko in the future. My gosh, dadating tayo diyan,” dagdag pa niya.

Ito ang dahilan kung bakit talagang iniingatan ni Carla ang naturang bag dahil sa presyo nito.

“Kaya hindi ko gaano ginagamit. Iniingatan kong mabuti. Naka-display sila for now,” sabi pa niya Carla.

The post Carla Abellana sa luxury bag: Pang-tuition ng magiging anak namin appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Carla Abellana sa luxury bag: Pang-tuition ng magiging anak namin Carla Abellana sa luxury bag: Pang-tuition ng magiging anak namin Reviewed by pinoyako on April 15, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close