Hailee Steinfeld, Josh Allen official parents na, baby girl ang panganay

OPISYAL nang naging mommy at daddy ang actress-singer na si Hailee Steinfeld at Josh Allen ng Buffalo Bill.
Isinilang na kasi ang first baby nila na isang mini Hailee.
Wala pang rebelasyon kung kailan ang eksaktong date at pangalan ng kanilang panganay, pero ang good news ay ibinandera mismo ng dalawa sa isang newsletter nitong Huwebes, April 2.
Sabi nga ni Hailee sa kanyang mensahe: "We're feeling incredibly grateful and blessed and savouring these early moments. Thank you so much for the love and well wishes."
Baka Bet Mo: Hailee Steinfeld excited na sa 1st baby nila ni Josh Allen
Matatandaang ikinasal si Hailee kay Josh noong Mayo ng nakaraang taon, at noong Disyembre ay inanunsyo rin nila na sila'y nag-e-expect ng kanilang first baby.
Samantala, fresh pa rin ang tagumpay ni Hailee matapos umani ng papuri sa kanyang role sa pelikulang "Sinners."
Si Josh naman, na kinoronahan bilang NFL Most Valuable Player Award, ay dumaan sa operasyon matapos matalo ang Bills kontra Denver Broncos sa overtime ng AFC divisional playoffs.
Pero ang masayang balita, wala na siyang suot na protective boot matapos mabalian ng buto sa Week 16, at inaasahang ready na siyang bumalik sa aksyon sa offseason program ng team.
At dahil certified girl dad na nga si Josh, game na game pa ang Bills na i-flex ito sa social media!
Nag-post sila ng larawan ni Josh na naka-thumbs up, at may caption na: "Girl dad."
The post Hailee Steinfeld, Josh Allen official parents na, baby girl ang panganay appeared first on Bandera.

No comments: