GirlTrends pwede nang ipadala sa Coachella, Chie Filomeno nag-react: Nabunot na naman
MULI na namang nag-trending ang defunct girl group na GirlTrends matapos lumitaw ang kanilang nag-viral na video noong 2019.
Ang naturang video ang ang kanilang hindi magkakasabay na dance number sa “It’s Showtime” sa kantang “How Do You Sleep”.
Ang naturang video ay ibinahagi ng Kabulastugan, isang Instagram page, kung saan muli na namang naging sentro ang GirlTrends sa pagiging memes kasabay ng Coachella Valle Music and Arts Festival.
Mas lalo pang naging relevant ang iconic music event sa mga Pinoy dahil dalawa sa performers this 2026 sa Empire Polo Club ay ang BINI at si Sophia Laforteza, na bahagi naman ng global girl group na KATSEYE.
Baka Bet Mo: Barbie Imperial umaming tsinugi sa GirlTrends: Kasi hindi po talaga ako magaling sumayaw!
“humanda kayo next year, coachella,” nakasulat pa sa video ng GirlTrends.
Hirit pa nito sa caption, “the group we keep failing to send [face with holding back tears emoji]”
At dahil muli na namang nabuhay ang video, isa sa mga miyembro ng GirlTrends na si Chie Filomeno ang nag-react sa naturang video.
“Teeeeh, nabunot nanaman kami!! HAAHHAHAHAHAH,” sey ni Chie.
Ibinahagi rin niya ang naturang video sa kanyang Instagram story na may caption na, “bunot every coachella HAHAHAHHAHA.”
Sa mga hindi nakakaalam, may dalawampu’t dalawang miyembro ang grupo noong inilunsad ito sa Kapamilya noontime show taong 2016.
Karamihan sa kanila ay aktibo pa sa kanya-kanyang careers ngayon gaya nina Chie, Dawn Chang, Maris Racal, Jane de Leon, Barbie Imperial, at Loisa Andalio.
The post GirlTrends pwede nang ipadala sa Coachella, Chie Filomeno nag-react: Nabunot na naman appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 16, 2026
Rating:

No comments: