BREAKING NEWS

Derrick Monasterio love na love si Elle: Sasalo ako ng bala para sa kanya!

Derrick Monasterio love na love si Elle: Sasalo ako ng bala para sa kanya!
Elle Villanueva at Derrick Monasterio

SURE na sure na ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio na si Elle Villanueva na ang nais niyang makasama habangbuhay.

Apat na taon nang magkarelasyon ang Kapuso celebrity couple at mukhang sa kasalan na nga mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Nakachikahan ng BANDERA kamakailan si Derrick at nabanggit nga niyang very happy and going strong ang relationship nila ni Elle na leading lady din niya sa hit Kapuso series na “Apoy Sa Dugo.”

Sabi ng binata, 100 percent sure na siyang si Elle ang gusto niyang pakasalan at makasama forever. Nai-imagine raw niya ang sarili na may sarili nang family with Elle.

“Nu’ng sinasabi ko sa sarili ko na magseseryoso ako, du’n ko na-realize na siya na talaga. Tapos from there, since day one hanggang ngayon, napanghawakan ko ‘yon,” pahayag ng hunk actor.

Gagawin ni Derrick ang lahat para sa kanyang girlfriend, “Sasalo ako ng bala para kay Elle, sinabi ko na ‘yan sa kanya.”

Inamin din ng aktor na napag-uusapan na rin nila ng Kapuso actress ang tungkol sa kasal, pero aniya hindi pa raw ito mangyayari very soon.

“Siguro, mga two-three years (from now). Ayoko naman na mga 36 na ako, wala pa akong anak,” natawang sabi pa ni Derrick.

Ayon pa sa binata, mas gusto pa rin daw niya na mauna ang kasal bago sila magka-baby ni Elle.

The post Derrick Monasterio love na love si Elle: Sasalo ako ng bala para sa kanya! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Derrick Monasterio love na love si Elle: Sasalo ako ng bala para sa kanya! Derrick Monasterio love na love si Elle: Sasalo ako ng bala para sa kanya! Reviewed by pinoyako on April 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close