Women’s Month: VVINK hinihikayat mga kababaihan na mangarap, huwag matakot

Ngayong buwan na ipinagdiriwang ang mga kababaihan, nagbigay-inspirasyon ang P-Pop girl group na VVINK!
Sa ginanap na single launch ng "Kailan Ka Aaamin" na dinaluhan ng BANDERA, ibinahagi ng limang miyembro kung paano nila nais iparating ang mensahe ng tapang, pangarap, at paniniwala sa sarili.
Ayon kay Ayaka, layunin nilang magsilbing inspirasyon lalo na sa mga batang babae at aspiring artists.
"Having mentioned na ito po 'yung second chance namin to pursue music. Gusto po namin sabihin sa mga aspiring artists at sa mga little girls na huwag kayong matakot mangarap. Kapag naniwala ka sa sarili mo at sa pangarap mo, 'yun na ang sign na pwede itong magkatotoo. Kaya lagi lang mangarap at huwag tumigil na magbigay ng effort," sey niya.
Baka Bet Mo: 1ST.ONE babandera sa 'UNA' Asia tour, P-Pop power ibibida sa buong rehiyon
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid05eVybA9k9oM1geTRm8d4ddqfzepJgk8RhZzefXBJ74Wca1MLPoYzoMPA9iScQUULl&show_text=true&width=500" width="500" height="773" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Dagdag naman ni Jean, mahalagang ilaban ang pangarap kahit maraming hadlang o pagkatalo.
"May reason kung bakit napunta sa puso mo 'yung pangarap na 'yun. So it's bound to happen. Huwag mo siyang sukuan kahit nakailang talo ka na o pakiramdam mo laban ang mundo sa'yo. Ilaban mo lang kasi diyan ka masaya. Piliin mo kung saan ka laging masaya," wika niya.
Para kay Angelika, mahalaga ang maging totoo sa sarili at huwag matakot magpakita ng tunay na pagkatao.
"Follow your heart. Don't be scared. Kasi walang mangyayari kung puro takot lang ang laman ng puso mo. Kaya be out there. Be your cringe self. Be your baduy self," sambit niya sa amin.
Inamin din ni Ayaka na tulad ng lahat, dumaan din sila sa takot at pagdududa bago marating ang kanilang kinaroroonan ngayon.
"Kami rin naman natatakot talaga. Lahat tayo may doubts, at ang dami rin naming pinagdaanan bago makarating sa stage na ito. Kaya just trust the process and always be grateful," dagdag pa niya.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F949930827572032%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe> Kasabay ng pagbabahagi ng mensahe, inilunsad din ng VVINK ang kanilang ikaapat na single na "Kailan Ka Aamin", ang unang pre-release mula sa nalalapit nilang full-length debut album sa ilalim ng FlipMusic.
Isinulat ito ni Nica del Rosario at produced ni Julius James "Bojam" De Belen.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/HUJrYFw-qo8?si=d7qbQCMg7a49JVn7" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe> Sa bagong awitin, mas ipinakita ng VVINK ang kanilang mas malambing at emosyonal na side.
Isang tender coming-of-age confession ang "Kailan Ka Aamin," na inspired sa Thai Girls Love (GL) pair na MilkLove.
Umiikot ang kwento ng kanta sa taong hindi maamin ang kanyang nararamdaman sa kanyang crush o nagugustuhan.
Ang "Kailan Ka Aamin" ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms sa buong mundo sa ilalim ng FlipMusic.
The post Women's Month: VVINK hinihikayat mga kababaihan na mangarap, huwag matakot appeared first on Bandera.

No comments: