BREAKING NEWS

Koronasyon ng Miss Universe Philippines 2026 sa May 1 na!

Koronasyon ng Miss Universe Philippines 2026 sa May 1 na!
PHOTO: Instagram/@themissuniverseph

MALAPIT nang matapos ang pagrereyna ni Ahtisa Manalo dahil nakatakda na niyang ipasa ang korona sa kanyang magiging successor sa darating na May 1.

Sa social media, ibinandera ng  Miss Universe Philippines Organization ang petsa ng inaabangang coronation night ng Miss Universe Philippines 2026.

"The much-awaited Miss Universe Philippines 2026 Coronation is happening this May 1, 2026 at the SM Mall of Asia Arena," ang pahayag ng national pageant organization.

Gayunman, wala pang inilalabas na detalye ang organisasyon tungkol sa ticket selling, pati na rin kung sino-sino ang magiging hosts, performers, at mga celebrity guest sa naturang event. 

Baka Bet Mo: Ahtisa Manalo umamin, dream leading man si Alden Richards

"Stay tuned for ticket details and more updates!" dagdag sa kanilang post.

Matatandaang kinoronahan si Ahtisa noong May 2 ng nakaraang taon sa parehong venue sa Pasay City.

Sa taong ito, 51 candidates mula sa iba't ibang panig ng bansa at overseas Filipino communities ang maglalaban-laban para sa prestihiyosong titulo.

Bukod sa pangunahing korona, may iba pang national titles na ipinagkakaloob sa ilalim ng The Miss Philippines brand na pinangangasiwaan din ng Empire Philippines, ang organizer ng Miss Universe Philippines.

Sa nakaraang dalawang edisyon ng pageant, ibinibigay ang mga naturang titulo matapos ang coronation night. 

Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung ipagpapatuloy ang parehong sistema this year, bagama't may mga pahiwatig na pipiliin pa rin ang mga titleholder ng The Miss Philippines mula sa hanay ng mga kandidata ng Miss Universe Philippines.

Sa ilalim ng The Miss Philippines brand, pinipili ang kinatawan ng bansa sa mga international pageant tulad ng Miss Supranational, Miss Eco International, Miss Cosmo at Miss Charm.

Tulad ng mga nakaraang taon, hindi rin mawawala ang mga beterana sa international pageant scene sa hanay ng mga kandidata ngayong 2026.

Kabilang dito sina Bea Millan-Windorski at Roxie Baeyens, pati na ang Miss International runner-up na si Nicole Borromeo.

Makakasama rin sa laban sina Justine Felilzarta, Ashley Subijano, at Scarlett De Mesa.

Samantala, muling susubok ng kapalaran sa national stage sina Ysabella Ysmael at Apriel Smith, na parehong sumabak sa kauna-unahang edisyon ng pageant noong 2020.

Sa dami ng beterana at fresh contenders ngayong taon, tiyak na magiging mainit at kapana-panabik ang laban para sa susunod na Pinay na magdadala ng bandera ng bansa sa international stage.

The post Koronasyon ng Miss Universe Philippines 2026 sa May 1 na! appeared first on Bandera.


Koronasyon ng Miss Universe Philippines 2026 sa May 1 na! Koronasyon ng Miss Universe Philippines 2026 sa May 1 na! Reviewed by pinoyako on March 15, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close