BREAKING NEWS

Joel Lamangan baka mamura si Ahron Villena dahil sa ‘plaster’ isyu

Joel Lamangan baka mamura si Ahron Villena dahil sa 'plaster' isyu

MULING naungkat ang naging rebelasyon ni Ahron Villena na may isang direktor daw na nang-exploit sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Walang binanggit na pangalan si Ahron sa kanyang Facebook page noong August, 2024 pero marami ang naniniwala na ang premyadong direktor na si Joel Lamangan ang kanyang tinutukoy.

Ang mababasa sa naturang post ng hunk actor, "My nakita akong post nagsalita pala etong direktor na eto na matagal na daw nangyari ung mga ganung senario? Parang proud na proud ka pa.

"Eh kung sabihin ko kaya na isa ako dun sa artistang naexploit at ikaw un! Tandang tanda ko ung kelangan ko magplaster sa eksena cameo role lang ako my tumutulong na sakin sa production pero pumasok ka sa CR at pinaalis mo sya. Ang sabi mo pa 'dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila ako na dapat maglalagay nyan.'

Baka Bet Mo: Tony Labrusca, Kelley Day, Direk Joel may bwelta sa hugot ni Alvin Aragon

"Wala namang problema sakin pero ilang beses mong tinatamaan at dinidikit ung kamay mo irerespeto kita bilang tao at direktor kasi magaling ka pero dahil baguhan pa lang ako noon OO lang ako ng 00 kasi kelangan ko din kumita ng pera pero malamang hindi mo na maalala kasi sigurado ako hindi lang ako ang ginawan mo ng ganun.

"Nu'ng ininterview ako sa fast talk noon hindi kita pinangalanan kasi my respesto pa din ako sayo. Kahit mga staff nagtatanong sakin hindi ako nagsalita. Kaya sana tahimik kana lang din.

"Kahit noon or ngayon never naman magiging tama ung gawaing ganun. Kung totoo man or hindi hindi mo dapat itolerate ung mga ganung bagay!"

Ang feeling ng mga netizens, ang pinaghuhugutan ng binata ay ang naging pahayag ni Direk Joel tungkol sa isyu ng sexual harassment o exploitation sa entertainment industry.

Sabi ng veteran director, dati na raw may kaso ng sexual harassment sa showbiz, "Matagal na ang mga ganyan, luma na ang mga kasong yan. Hindi naman yan bago."

Nakachikahan ng BANDERA si Direk Joel recently bago magsimula ang presscon ng bago niyang movie, ang "All About Her", isa sa full-length films sa 8th Sinag Maynila (Sine Lokal, Pang-International) na gaganapin sa March 23 hanggang 29, 2026 sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.

Dito nga siya natanong tungkol sa kontrobersyal "plaster issue" sa kanila ni Ahron. Mariing sey ng batikang filmmaker, "Walang katotohanan yung sinasabi niya na ano, jusko, hindi totoo yon, neng!" 

"Sa totoo lang, iniligtas ko nga siya dahil ang maglalagay sa kanya ng ano ay isang baklang ano, make-up artist. Sabi ko, 'Ako na lang, ako na lang.'

"Wala naman akong desire ganu'n-ganu'nin siya. Alam ko naman…" aniya. Never din daw niyang pinagpantasyan ang aktor.

Never pa raw silang nagkita ni Ahron mula nang mapag-usapan ang kanilang plaster issue, "Hindi. Mumurahin ko siya pag nagkita kami. Hindi totoo kasi.

"Hindi totoo. Ang dami-dami ko nang nilagyan nang nilagyan nang nilagyan ng ganu'n to protect them from tsismis," saad pa niya.

Sa sundot na tanong kung may balak siyang mag-reach out kay Ahron, "Bakit ako magri-reach out sa kanya? Siya ang may kasalanan. Siya ang nagbulgar-bulgar na wala namang katotohanan."

Ano ang magiging reaksiyon niya sakaling mag-reach out sa kanya si Ahron?

"Baka mamura ko. Gusto mong sumikat? Bakit ako ang ginagamit mo? Wala namang ganoon!"

Pero payag pa ba siyang makatrabaho uli ang hunk actor? "Hindi na ako ang maglalagay ng plaster. Ha-hahaha!" 

Samantala, proud daw si Direk Joel sa lahat ng cast members ng "All About Her", lalo na kina Tony Labrusca, Yuki Sonoda at Kelley Day.

Kasama rin sa movie sina Angelica Cervantes, Pancho Magno, Jim Pebanco, Itan Rosales, at Marco Gomez.

"Ang All About Her ay tungkol sa mga beauty contest na napakahilig ng mga Pilipino, di ba? Mga pagandahan, beauty contest.

"Ito ay tungkol sa dalawang babae na naghangad maging Miss Global Philippines, na meron palang masamang intensiyon ang isa sa kanila.

"Tinatalakay nito ang problema ng mga pumapasok sa pagandahan, na hindi naman tayo puwede lahat sa ganoong pagandahan," kuwento pa ng direktor.

"Ipakikita ang maraming nangyayari behind-the-scenes, kung bakit nananalo, kung bakit natatalo. Ganoon. Iba ang ending nito, crime pays," aniya pa.

The post Joel Lamangan baka mamura si Ahron Villena dahil sa 'plaster' isyu appeared first on Bandera.


Joel Lamangan baka mamura si Ahron Villena dahil sa ‘plaster’ isyu Joel Lamangan baka mamura si Ahron Villena dahil sa ‘plaster’ isyu Reviewed by pinoyako on March 15, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close